• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela police at mga mamamahayag sa CAMANAVA, nagsagawa ng dayalogo

PINANGUNAHAN ni P/Col. Salvador S. Destura Jr, Officer-In-Charge ng Valenzuela City Police Station ang isinagawang dayalogo sa pagitan ng Valenzuela police at mga mamamahayag na komokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) upang mapag-usapan at malaman nila kung may banta ba sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho bilang mga mamamahayag.

 

 

Kaugnay ito ng pagkakapaslang sa beteranong reporter na si Percy Lapid kung saan ay pinagbabaril ito ng hindi pa kilalang salarin na isa sa tinitignan motibo ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.

 

 

Nakiusap naman si Col. Destura sa mga mamamahayag na kung sakaling mga may banta sa kanilang buhay ay huwag mag-atubiling lumapit o pumunta sa kanyang tanggapan at ipaalam sa kanila ang anumang uri ng pagbabanta.

 

 

Siniguro din Col. Destura na bibigyan nila ng proteksyon at agarang paimbestigahan ang sinumang mamamahayag na komokober sa CAMANAVA area partikular sa Valenzuela City na nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay para sa kanilang kaligtasan, maging ang mga mahal nila sa buhay.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa naturang dayalogo si ACOPA PLt Col. Aldrin Thompson, SIU chief PLT Robin Santos, SS-2 commander P/Major Randy Llanderal at chief SCAS P/Major Gina Pariñas. (Richard Mesa)

Other News
  • Balik-acting na sa ‘Black Rider’: MICHELLE, excited na sa magiging role at makapag-motor

    NOONG mag-guest si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, tinanong sa kanya ang final question sa Miss Universe na, “If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?” Sagot ni Michelle: “If I could choose to live in any woman’s shoes, […]

  • PDu30, walang ipinangako noong 2016 election na may kinalaman sa Chinese ‘incursion’ sa WPS

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang ipinangako na kahit na ano hinggil sa Chinese ‘incursion’ sa West Philippine Sea, nang tumakbo siya sa pagka-pangulo noong 2016 elections.    “I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that […]

  • PNP susuriin ang alegasyon na ‘election sabotage’

    SUSURIIN umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga umano’y ulat na sasabotahe sa pagsasagawa ng halalan sa Mayo 9 gaya ng iginiit ng apat na kandidato sa pagkapangulo.     Sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na wala pa silang na-encounter na ganoong ulat sa ngayon, ngunit nangakong kukunin ang mga detalye mula […]