Valenzuela police, magkakaroon na ng mga bagong electric police vehicles
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON na ng mga bagong electric police vehicles ang Valenzuela City Police Station (VCPS), kasunod ng isinagawang ceremonial signing para sa partnership agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at ACMobility upang ilunsad ang “Go Green Valenzuela”.
Inihayag ng lungsod na ang 41 electric police cars na gagamitin ng VCPS ay gaganap ng isang mahalagang papel sa enhancing public safety at operational efficiency habang pinapalakas ang green mobility initiatives.
Ayon kay Mayor WES Gatchalian, ang Valenzuela ang kauna-unahang local government unit sa bansa na nagpatupad ng EV police cars para isulong ang kaligtasan ng publiko at itaguyod ang environmental sustainability sa pamamagitan ng pagbabawas ng carbon footprint ng mga operasyon ng pamahalaan, at enhance cost efficiency para mabawasan ang gastos sa gasolina at maintenance expenses.
Nagtatampok ang electric vehicle ng maximum power na 150kW (204 horsepower), kapasidad ng baterya na 44.9 kWh, isang range na 405 km. at maaari din itong mag-charge mula 10 hanggang 80% sa loob ng humigit-kumulang 30 minuto. Mayroon din itong anti-theft equipment, regenerative braking, at electronic stability program.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Mayor WES ang kanyang mga pangunahing punto na tinawag na AIR: Advancing Peace and Order, Igniting Green Initiatives, Revving up Cost Efficiency. Ito ang mga pangunahing layunin ng pamahalaang lungsod na ilipat ang kanilang mga conventional fuel-powered service vehicle sa mga electric vehicle–simula sa police unit. Layunin din niyang maging kauna-unahang LGU na may pinakamaraming EV police fleet at may pinakamalaking charging station sa bansa. “We take the wheel of change and drive toward the horizon of a cleaner future. aniya.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban kay Mayor Wes sa kanyang walang tigil na suporta sa kapulisan ng lungsod.
“Sa pagbili ng mga bagong electric police vehicles, hindi lamang tayo sumusulong tungo sa isang mas malinis, mas eco-friendly na kinabukasan, ngunit gumagawa din tayo ng mahalagang hakbang tungo sa pagpapahusay ng kakayahang mabuhay sa Valenzuela City,” ani Col. Cayaban.
Kabilang sa mga dumalo sa kaganapan si BYD Cars Philippines Managing Director G. Bob Palanca, Iconic Dealership COO G. Dennis Salvador, G. Cris Gamboa ng BYD Valenzuela, NCRPO Acting Regional Director PBGen. Anthony Aberin, NPD District Director P/Col. Josefino Ligan, Councilors Marlon Alejandrino, Sel Sabino-Sy, Liga ng mga Barangay President Councilor Mario San Andres, at iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks
Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4. Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para […]
-
LGUs, national agencies naka- ‘high alert’ para kay Leon
NAKA-HIGH ALERT ang mga kinauukulang national at local government units kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghanda para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Leon. Sinabi ng Presidential Communication Office (PCO), araw ng Huwebes na kinumpirma na ni Batanes Governor Marilou Cayco na isinasagawa na ang ‘evacuation efforts’ para sa mga […]
-
SSS tumatanggap na ng aplikasyon sa online para sa unemployment benefits
Good news para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho dahil sa krisis dala ng COVID-19 pandemic. Binuksan na ngayon ng SSS ang pagtanggap sa aplikasyon online para sa unemployment benefit. Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, maaaring mag-qualify para sa unemployment benefits ang […]