• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela TODAs nakatanggap ng P3.7M tulong fuel subsidy program

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian sa pakikipagtulungan ng City Council ng one-time fuel subsidy vouchers na nagkakahalaga ng P500 sa lehitimong mga tricycle driver at operators na mga miyembro ng TODA sa Valenzuela City.

 

 

Ang pamamahagi ng fuel subsidy voucher program ay ipinapatupad sa pamamagitan ng City External Service Office – Public Order Safety Group’s Transportation Office sa pamumuno ni Mr. Jay Valenzuela.

 

 

Ang fuel subsidy programa ay parte ng Mayor WES Gatchalian’s agenda sa kanyang unang 100 days bilang bagong city mayor. “Ginawa po nating priority ang transport sector ng ating lungsod dahil isa po ito sa pinaka naapektuhan ng pandemya at kayo po ang dahilan kung paano tayo nagsusurvive sa pandemyang ito, kung wala po ang mga tricycle drivers ay malamang na mas malaki po ang problema natin dito sa lungsod. Hindi naman po kalakihan ang subsidiyang ibibigay natin, pero sana po ay makatulong ito sa inyo. Ang pamahalaang lokal po natin ay tuloy-tuloy na magiisip ng mga progaramg makakatulong sa inyong mga TODA drivers” pahayag niya.

 

 

Inaprubahan ng Valenzuela City Council ang Ordinance No. 1043, Series of 2022 on September 5, 2022 na pinamagatan “An Ordinance Providing for a One Time Fuel Subsidy to All Valenzuela City Franchised For-Hire Tricycles on Account of the Recent Unprecedented Increase of Fuel Prices, Providing for Funds Thereof and for Other Purposes, Subject to Existing Auditing and Accounting Rules and Regulation” na pinahihintulutan ang pagpapalabas ng Php 3,712,000 mula sa badyet ng lungsod upang maibsan ang krisis sa presyo ng gasolina sa bansa at naglalayong bigyan ng fuel subsidy voucher na nagkakahalaga ng Php 500 sa kabuuang 41 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na binubuo ng 7,424 na tricycle for-hire sa lungsod, para tulungan sila sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa hindi inaasahang dahilan.

 

 

Dumalo rin sa event sina Congressman REX Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilors Mickey Pineda, Marlon Alejandrino, Gerald Galang, Chiqui Carreon, Niña Lopez, Louie Nolasco, Bimbo Dela Cruz, Ricarr Enriquez, Cris Feliciano, Ghogo Deato Lee, Liga ng mga Barangay President Councilor Jonjon Bartolome, and SK Federation President Councilor Goyong Serrano.

 

 

Pinangunahan din Mayor WES ang oath taking ng bagong Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) federation officers. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads June 16, 2021

  • YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA

    PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni  Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina.     Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]

  • Maritime laws, mahalaga para protektahan ang PH waters – PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatutulong ang bagong maritime laws sa Pilipinas para protektahan ang teritoryo nito sa pamamagitan ng paglikha ng malinaw na delineasyon ng territorial waters nito.   “Marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty. So, it serves a purpose that we define closely […]