Valenzuelanos hinimok magparehistro para sa COVID vaccine
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”.
Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register.
Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government -issued ID.
Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and Data Privacy Consent” at i-click ang “Submit”.
Susuriin ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang aplikasyon at tatawag o magpapadala ng email upang ipaalam ang iskedyul at lugar ng pagpapabakuna kung saan 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring bigyan ng bakuna.
Nauna nang nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng simulation ng vaccination program para bilang paghahanada sa pagdating ng bakuna.
“Itong simulation na ito is a confidence building exercise. Gusto naming ipakita sa lokal na mamamayan namin na the local government not only purchased [the vaccines] but moreso pinagaaralan natin yung rollout… Ayaw natin na nandiyan na ‘yung bakuna tsaka lang natin pa-planuhin lahat ito,” pahayag ni Mayor Rex. (Richard Mesa)
-
“PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BOW-WOWS AT NO. 1 AT THE U.S. BOX OFFICE, OPENS OCTOBER 11 IN PH
PAW Patrol: The Mighty Movie is top dog! The sequel about everyone’s favorite mighty pups debuted at the top of the U.S. box office over the weekend with $23 million, bringing its worldwide total to $46.1 million – a mighty achievement given that the movie has opened at just 53% of the worldwide market. […]
-
Serial killer at ‘puting van’ sa pangingidnap, ‘di totoo
HINDI totoo na may serial killer at grupo ng mga kriminal na nakasakay sa puting van na responsable sa insidente ng mga pagdukot at pagpatay. Ito ang sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo dahil iba-iba ang mga suspek sa mga nagdaang insidente ng pandurukot at mayroon silang iba’t ibang motibo. […]
-
3 patay, 5 sugatan; pag-ulan asahan pa rin – NDRRMC
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tatlo ang naitalang nasawi habang lima ang sugatan dahil sa matinding pag-ulan at malakas na hanging dulot ng habagat. Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isa ang namatay matapos tamaan ng bumagsak na punong-kahoy habang dalawa ang natamaan ng kidlat. Dagdag […]