Valenzuelanos hinimok magparehistro para sa COVID vaccine
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”.
Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register.
Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government -issued ID.
Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and Data Privacy Consent” at i-click ang “Submit”.
Susuriin ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang aplikasyon at tatawag o magpapadala ng email upang ipaalam ang iskedyul at lugar ng pagpapabakuna kung saan 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring bigyan ng bakuna.
Nauna nang nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng simulation ng vaccination program para bilang paghahanada sa pagdating ng bakuna.
“Itong simulation na ito is a confidence building exercise. Gusto naming ipakita sa lokal na mamamayan namin na the local government not only purchased [the vaccines] but moreso pinagaaralan natin yung rollout… Ayaw natin na nandiyan na ‘yung bakuna tsaka lang natin pa-planuhin lahat ito,” pahayag ni Mayor Rex. (Richard Mesa)
-
Nag-post ng madamdaming birthday message: SHARON, umaasa na isang araw ay muli silang magkakasama ni KC
NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7. Kalakip sa kanyang IG post ang throwback back photos nila ni KC at video na mula sa concert niya na kung saan batam-bata pa ang anak nila ni […]
-
‘Poblacion girl’ hindi idedeklarang persona non grata ng Makati City – Mayor Binay
Tumanggi ang Makati City na ideklarang persona non grata si Gwyneth Anne Chua, ang Pilipinang tumakas sa kanyang quarantine at nakahawa sa marami sa kanyang mga nakahalubilo. Sa halip ay hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga business establishments at mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na ireklamo si Chua matapos itong tumakas […]
-
Mga Pinoy sa HK, binabantayan na ng DOLE dahil sa ‘mandatory vaccination order’
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na binabantayan na nito ang kasalukuyang sitwasyon sa Hong Kong kasunod nang naging desisyon ng gobyerno nito na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease sa libo-libong banyagang manggagawa sa naturang rehiyon. Ayon kay Director Rolly Francia, mino-monitor na raw ng DOLE ang pagpapatupad […]