• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Validity ng student permits, driver’s license pinalawig hanggang March 31

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits at ng licenses ng drivers at conductors kasama ang motor vehicle registration hanggang March 31.

 

Ang extension ay valid para sa mga taong may edad na 17 hanggang 20 years old kasama rin ang mga taong may edad na 60 at pataas.

 

“The student permit and driver’s and conductor’s licenses of these age groups will be extended as they were required to remain in their residences during the pandemic quarantine period,” wika ng LTO.

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang may edad na 15 hanggang 20 at ang mga individual na may edad 60 pataas ay puwede lamang na makalabas ng kanilang tahanan kung may essential travel sa panahon ng pandemic.

 

Ito na ang ikatlong pagkakataon na ang LTO ay nag extend ng validity ng mga ilang nabigay na licenses dahil sa di tiyak na mahabang na restrictions ng COVID-19 pandemic.

 

Noong nakaraang May 2019, ang LTO ay nagsabi na kanilang palalawigin ang validity ng licenses, permits at motor vehicle registrations sa ilalim ng batas hanggang 60 days matapos ang resumption ng work.

 

At noong October, muli nilang pinalawig ang validity ng mga licenses nag hanggang Dec.31 dahil pa rin sa pandemic.  (LASACMAR)

Other News
  • 571 COVID-19 case kada araw sa SoKor, kinumpirma

    KADA araw ay nakakapagtala ng aabot sa 571 kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa South Korean Centers for Disease Control and Prevention.   Ang 571 cases ay kinumpirma ng SoKor nitong Biyernes (February 28) ng hapon, kabilang na ang 256 kaso na inanunsiyo ng umaga sa parehong petsa.   Dahil dito ay nakapagtala ng […]

  • Lahat ng ASEAN states, umaasa na maisasapinal na ang Code of Conduct para sa SCS-PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na binanggit ng lahat ng mga ASEAN member states ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) sa isinagawang Summit ng regional body sa Indonesia.     Iyon ay dahil  umaasa ang  lahat ng ASEAN nation na maisasapinal na ang COC  bilang “legally binding pact.”     […]

  • 8 bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, bagong chairman ng Commission on Filipinos Overseas, nanumpa sa harap ni ES Bersamin

    SA kabila ng kontrobersiyal na cash-for hire scam at para patunayan na lehitimo ang mga napipiling opisyal ng gobyerno ay pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, ngayong araw ng Lunes, Enero 30.     Ang mga bagong appointees sa Marawi Compensation Board ay sina […]