• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ValTrace App inilunsad sa Valenzuela

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19   sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App.

 

Maaari nang bisitahin ang http://valtrace.appcase.net at i-download ang unique QR Code.  Magsisimula naman ang No QR Code, No Entry sa mga establisyimento sa November 16, 2020, na nakasaad sa City Ordinance No. 783, Series of 2020.

 

Nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa Appcase Inc. para i-develop ang ValTrace Application. Ang mga indibidwal ay kailangang magrehistro bilang “citizen” sa ValTrace application sa pamamagitan ng pagsa-signup sa  http://valtrace.appcase.net , at “merchant” naman ang dapat irehistro ng mga establisyemento.

 

Makaraang magrehistro, ang mga indibidwal ay bibigyan ng unique ValTrace-generated QR code na maaari nilang i- store sa kanilang telepono o i-print.  Ang mga establisyemento  ay kailangang mag-install ng ValTrace QR scanner app para mabigyan ng access sa software na magagamit sa pag-scan ng QR code ng mga nagrehistro bago pumasok sa establisyemento.

 

Pagka-scan ng QR code ng rehistradong establisyemento, ang personal na impormasyon ng indibidwal ay ita-transmit sa Valenzuela Central Contact Tracing System sa Mega Contact Tracing Center para sa madaling pag-trace ng mga indibidwal.

 

Libre ang buong proseso ng pagrerehistro at paggamit ng ValTrace App.

 

Lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

 

Hindi papalitan ng QR codes ang paggamit ng Quarantine Pass dahil ito ay ginagamit pa rin sa lungsod kapag papasok sa establisyemento para sa kinakailang paglalakbay.  Isang QR Code lamang ang itatakda bawat tao.

 

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty, gayundin ang mga establisyementong hindi susunod. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 13, 2023

  • MVP hinirang na Sports Tourism Personality of the Year

    Dahil sa kanyang mahalagang kontribusyon sa larangan ng isports ay kinilala si businessman/sports patron Manuel V. Pangilinan o mas kilala sa tawag na “MVP” bilang Sports Tourism Personality of the Year sa 4th Philippine Sports Tourism Awards na ginanap kamakailan sa Clark Freeport.   Bilang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay tinatag ni […]

  • Abot-abot ang pamba-bash na inabot: PAOLO, BUBOY at BETONG, nanguna sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’

    ABOT-ABOT ang pamba-bash na inaabot ng mga bagong host ng Eat Bulaga.  Nagsimula na ngang mapanood ng live ang Eat Bulaga na ang mga host na ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Legaspi Twins na sina Mavy at Cassy, Betong Sumaya at ang balitang girlfriend ni Sandro Marcos na si Alexa Miro. Expected naman na […]