• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vape Bill, tuluyan nang naging batas, kahit ‘di nilagdaan ng Pangulo

GANAP nang naging  batas ang kontrobersiyal na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill.

 

 

Ito’y kahit hindi nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bill.

 

 

Nagpaso na rin kasi ang kapangyarihan ng presidente na i-veto ito, matapos lumagpas sa isang buwan na hindi naaksyunan ang enrolled bill na ipinadala sa Malacanang.

 

 

Ang naturang panukala ay naratipikahan ng Senado at Kamara noong Enero 26, 2022.

 

 

Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, manufacturing, pagbibenta, packaging, ditribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotin products.

 

 

Sa ilalim nito, binibigyang kapangyarihan ang Department of Trade and Industry (DTI), na magtakda ng technical standards para sa vape products.

 

 

Tanging 18-anyos pataas lamang ang papayagan na gumamit o bumili ng produkto. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 4, 2023

  • Nicholas Hoult Tries to Get Rid of Over-Dependent and Narcissistic Boss in ‘Renfield’

    Horror-comedy “Renfield” spurts non-stop action and thrills in its latest trailer reveal featuring Nicholas Hoult taking on the titular role as Dracula’s loyal and highly-stressed servant.   “Renfield” is a modern monster tale of Dracula’s loyal servant, Nicholas Hoult (Mad Max: Fury Road, X-Men franchise) stars as Renfield, the tortured aide to history’s most narcissistic […]

  • Blended learning, patuloy na gagamitin sa PH para sa susunod na school year – DepEd

    PATULOY pa ring gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa bansa para sa susunod na school year.     Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi parin aalisin ang blended learning sa kabila ng paghihikayat sa lahat ng public at private schools na magsagawa na ng in-person classes para sa school […]