• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vape masama sa kalusugan – DOH

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa masamang epekto sa kalusugan ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at iba pang vape pro­ducts.

 

 

 

Ang babala ay ginawa ng DOH matapos na lumitaw sa isang medical case report na idinukomento ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez at nalathala sa journal Respirology Case Reports, na isang lalaking 22-anyos lamang na walang anumang isyung pangkalusugan ang dumanas ng fatal heart attack, kasunod ng matin­ding pinsala sa baga, na posibleng dulot ng kanyang araw-araw na paggamit ng vape.

 

 

 

Nabatid na ang pa­syente ay na-admit sa pagamutan dahil sa matinding pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga at naranasang heart attack, dulot ng bara sa dalawang major arteries. Nagkaroon din siya seryosong lung condition na kilala bilang e-cigarette or vaping-use associated lung injury (EVALI) at nakitaan ng severe pneumonia-like symptoms sa baga ngunit wala namang impeksiyon na na-detect ng mga doktor.

 

 

 

Nabatid na isinailalim ng mga doktor ang pasyente sa emergency procedure upang buksan ang nabarahan nitong ugat sa puso ngunit lalo lamang lumala ang kondisyon ng pasyente.

 

 

 

Nagkaroon umano ito ng respiratory failure, sanhi upang kailanganin ng mechanical ventilation at tatlong araw lamang matapos siyang maisugod sa pagamutan ay tuluyan nang binawian ng buhay,

 

 

Ayon sa DOH, ang naturang tragic case ay nagpapakita na ang e-cigarettes o vape ay hindi totoong mas ligtas na alternatibo sa paninigarilyo at sa halip ay higit pang naglalagay sa panganib sa mga taong gumagamit nito, partikular na ang mga kabataan. Nagdudulot din ito ng matinding pinsala sa iba’t ibang sistema ng katawan ng tao tulad ng sa puso at baga, na nagiging sanhi ng atake sa puso at EVALI.

Other News
  • Mga opisyales ng laban ni Jerusalem kay Castillo inilabas na ng WBC

    INILABAS  na ng World Boxing Council (WBC) ang pangalan ng magiging referee sa laban ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem. Ayon sa WBC na magiging third-man sa ring si Yuji Fukuji ng Japan. Magaganap ang unang defense ni Jerusalem ng kaniyang minimumweight crown laban kay Luis Castillo ng Mexico sa darating na Setyembre 22 sa lungsod […]

  • MICHAEL B. JORDAN’S “CREED III” REVEALS ADRENALINE-FUELED TRAILER

    THERE’S no enemy like the past. From director Michael B. Jordan, watch the official “Creed III” trailer now and see the movie in cinemas and IMAX March 1, 2023.     YouTube: https://youtu.be/PDEcgnUjxuc     Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/1483728455425197/     About “Creed III”     From Metro Goldwyn Mayer Pictures comes “Creed III,” with Michael B. Jordan making his […]

  • Ads April 1, 2021