Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi.
“Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po ito sa kanya ng isang malaking utang na loob,” ani Velasco.
Ang panunumpa ni Velasco bilang Speaker ng Kamara ay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng ika-43 taong gulang at isang buwan matapos na siya ay mahalal ng nakararaming mambabatas ng Kongreso bilang kanilang pinuno noong ika-12 ng Oktubre.
Nagpasalamat si Velasco kay Pangulong Duterte matapos tiyakin ng punong ehekutibo na ang napagkasunduang term-sharing sa speakership na kanya mismong isinulong noong nakaraang taon ay matutupad.
Nangako naman si Velasco na ipa-prayoridad niya sa Kamara ang mga adyenda ng lehislasyon ng Pangulo. Sinabi niya na tutuparin ng Kamara ang panawagan ng punong ehekutibo na tapusin ang sistematikong katiwalian sa pamahalaan at pangangalagaan ang mga interes at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, magsasaka at mangingisda.
“Tinitiyak ko sa Pangulo na maasahan niya ang Kongreso sa ilalim ng aking liderato na tulungan siya na matupad ang kanyang mga ipinangako sa sambayanang Pilipino bago matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa sa taong 2022,” ani Velasco.
Bilang ika-27 Speaker ng Kongreso, ipinangako ni Velasco na kanyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap para sa isang “matatag, inklusibo at nagkakaisang Kamara.”
“Sama-sama at tulong-tulong kami ng ating mga mambabatas sa Kongreso na makapagsabatas ng mga panukala na napapanahon at tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan, at gawin ang Kamara bilang tunay na kinatawan ng sambayanang Pilipino,” aniya.
Nauna nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Velasco sa harap ni barangay chairman Allan Franza ng Matandang Balara, Lungsod ng Quezon matapos siyang mahalal bilang Speaker sa sesyon sa labas ng Kamara, na ginanap sa Celebrity Sports Plaza noong ika-12 ng Oktubre.
Kinabukasan, pinagtibay ng mahigit na 200 mambabatas sa Kamara ang halalang naganap, sa bulwagan ng Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. (Ara Romero)
-
Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami
Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala. Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala. NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120. Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]
-
Obiena naka-ginto sa Germany
MULING umarangkada si Ernest John Obiena matapos makasikwat ng gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprungmeeting na ginanap sa Jockgrim, Germany. Nairehistro ni Obiena ang impresibong 5.81 metro distansiya upang masiguro ang gintong medalya. Maliban sa ginto, naabot din ni Obiena ang meet standards para sa prestihiyosong World Athletics Championships na idaraos […]
-
Cash aid para sa turismo at scholarship, ibibigay na
NAKAHANDA na ang bilyong-bilyong cash aid para sa turismo at scholarship ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng pandemya. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang P13 bilyon ang maipapamigay na payout. Kasama na rito ang P3 bilyon para sa sector ng turismo, P bilyon para sa scholar na anak […]