Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi.
“Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po ito sa kanya ng isang malaking utang na loob,” ani Velasco.
Ang panunumpa ni Velasco bilang Speaker ng Kamara ay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng ika-43 taong gulang at isang buwan matapos na siya ay mahalal ng nakararaming mambabatas ng Kongreso bilang kanilang pinuno noong ika-12 ng Oktubre.
Nagpasalamat si Velasco kay Pangulong Duterte matapos tiyakin ng punong ehekutibo na ang napagkasunduang term-sharing sa speakership na kanya mismong isinulong noong nakaraang taon ay matutupad.
Nangako naman si Velasco na ipa-prayoridad niya sa Kamara ang mga adyenda ng lehislasyon ng Pangulo. Sinabi niya na tutuparin ng Kamara ang panawagan ng punong ehekutibo na tapusin ang sistematikong katiwalian sa pamahalaan at pangangalagaan ang mga interes at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, magsasaka at mangingisda.
“Tinitiyak ko sa Pangulo na maasahan niya ang Kongreso sa ilalim ng aking liderato na tulungan siya na matupad ang kanyang mga ipinangako sa sambayanang Pilipino bago matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa sa taong 2022,” ani Velasco.
Bilang ika-27 Speaker ng Kongreso, ipinangako ni Velasco na kanyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap para sa isang “matatag, inklusibo at nagkakaisang Kamara.”
“Sama-sama at tulong-tulong kami ng ating mga mambabatas sa Kongreso na makapagsabatas ng mga panukala na napapanahon at tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan, at gawin ang Kamara bilang tunay na kinatawan ng sambayanang Pilipino,” aniya.
Nauna nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Velasco sa harap ni barangay chairman Allan Franza ng Matandang Balara, Lungsod ng Quezon matapos siyang mahalal bilang Speaker sa sesyon sa labas ng Kamara, na ginanap sa Celebrity Sports Plaza noong ika-12 ng Oktubre.
Kinabukasan, pinagtibay ng mahigit na 200 mambabatas sa Kamara ang halalang naganap, sa bulwagan ng Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. (Ara Romero)
-
TOM, suot-suot pa rin ang wedding ring nila ni CARLA; posibleng maayos pa ang gusot
NAG-COMMENT agad ang ilang netizens nang may Instagram post ang All-Out Sundays last Saturday evening na live ang Sunday noontime show kahapon at isa sa magpi-perform ay si Kapuso actor Tom Rodriguez, kasama ang iba pang artists ng GMA Network. Comment ni @reggie.angeles, “Paano sila hiwalay suot pa rin ni Tom ang wedding […]
-
Ads October 15, 2022
-
Ortiz nagpapakaabala
DAHIL nakatengga pa ang mga aksyon sa hard court sanhi pandemiya, nagpapaka-busy naman sa iba’t ibang gawain si Philippine SuperLiga (PSL) star Maika Angela Ortiz. Nagbibisikleta, nag-ha-hike na rin sa bundok ang 29 na taon, may taas na 5-10 na Chery Tiggo Crossovers middle blocker at many time national volleybelle nito lang isang linggo. […]