• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vendor kulong sa hindi lisensyadong baril sa Valenzuela

HIMAS-REHAS ang isang mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela city.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Nuno, 38, vendor, may-asawa at residente ng lungsod.

 

 

Sa ulat naman ni Gen T De Leon Sub-Station (SS2) Commander P/Capt. Ronald Bautista kay Col. Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang suspek kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.

 

 

Nang mag-isyu ng search warrant si Executive Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court Branch 16 ng Valenzuela City noong October 4, 2024 para sa paglabag sa RA 10591 ay agad bumuo ng team si Capt. Bautista at sinalakay ang bahay ng suspek dakong alas-10:50 ng umaga.

 

 

Sa isinagawang paghalughog ng mga tauhan ni Capt. Bautista sa loob ng bahay ng suspek sa J. Fama Street, Lower Tibagan, Brgy. Gen. T. De Leon, nasamsam nila ang isang kalibre .357 revolver na may tatlong bala.

 

 

Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay inaresto siya ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 28 of RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Other News
  • TUGADE: AYUDA SA MGA TSUPER, ISINUSULONG NG DOTR, LTFRB

    Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.   Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang […]

  • Asawang si Vickie papayagan pa ring sumali sa ‘MUP’: JASON, inalala ang kabaitan sa kanya ni BOY noong nagsisimula pa lang sa showbiz

    ISANG kilalang aktor at ngayon ay Board Member ng 2nd District ng Nuvea Ecija, nagsimula ang showbiz career ni Jason Abalos noon maging contestant ito sa ‘Star Circle National Teen Quest’ na talent search competition ng ABS-CBN noong 2004.   Fast forward to February 21, 2024, naging guest si Jason at Jo Berry sa ‘Fast […]

  • 2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.     Kinilala niĀ  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians […]