• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VENDORS BIBIGYAN NG LIBRENG SWAB TESTING

INIUTOS ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isailalim sa libreng “swab test” ang lahat ng vendors sa labing-pitong public market sa lungsod ng Maynila.

 

 

Ang naturang direktiba ay sinabi ni Yorme kina Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy kung saan layunin ng alkalde na maging ligtas at walang sakit na COVID-19 ang mga nagtitinda sa loob ng mga pampublikong pamilihan upang mabigyan ng kapanatagan ang mga konsumer o mamimili dito.

 

 

Isasagawa ang naturang “mass testing” sa lahat ng vendors sa oras na magsimula ang operasyon ng panibago at ikalawang RT-PCR molecular lab sa Sta Ana Hospital sa susunod na linggo.

 

 

“Matutuwa pa mga vendor, bakit? Hindi gagastos ang vendor ng kwatro mil para ma-test, kase sa hirap ng buhay. So makakatipid na sila, panatag na sila, yung consumer natin, panatag din,” paliwanag ni Domagoso sa ginanap na lingguhang pagpupulong ng mga Department Heads at Officials ng Manila City Hall ngayong araw.

 

 

Dagdag pa ni Yorme, matapos isailalim sa libreng pagsusuri ang mga vendor ay isusunod naman na isailalim sa gold standard ng COVID-19 testing ang mga tsuper ng pedicab, tricycle at pampasaherong jeep, gayundin ang mga matansero. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Magkumare rin ang dalawang reyna ng GMA: MARIAN at JENNYLYN, nagpakita ng suporta sa kani-kanilang show

    SA mundo ng showbiz kung saan kaliwa’t kanan ang siraan at hilahan pababa, nakakatuwang malaman na marami pa rin ang nagbibigay ng suporta sa kapwa artista.     Tulad na lamang dalawang reyna ng GMA na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.     Sa Instagram story ni Marian ay nag-post ang Primetime Queen ng […]

  • Caloocan LGU, magtatayo ng “Tahanang Mapagpala”

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), ang construction ng bagong social development center na tinawag na “Tahanang Mapagpala”, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa Barangay 171 Bagumbong.     Ang Tahanang Mapagpala ay magiging tahanan […]

  • Mga bakuna na inilaan sa NCR, walang napanis- Abalos

    WALANG nasayang o napanis na coronavirus disease (COVID-19) vaccines na inilaan sa National Capital Region (NCR) dahil napaso’ o expired na.   “On record I would like to state this, dito po sa atin, of course sa ating mga alkalde…Ni isang bakuna ay walang nag-expire sa kalakhang Maynila,” ang pagtiyak ni Metropolitan Manila Development Authority […]