Very competitive kasi ang mga misyon nila: LEXI, umamin na nagkapikunan sila sa ‘Running Man Philippines’
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
AMONG sa Boys of Summer ng Sparkle, mukhang itong si Raheel Bhyria ang puwedeng natawag na playboy.
Nali-link kasi ang 22-year old Filipino-Pakistani sa mga young actresses na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Jillian Ward.
Pero nilinaw ni Raheel na hindi raw niya niligawan sina Andrea at Francine. Mga kaibigan lang daw niya ang mga ito.
Si Jillian naman, na co-star niya sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’, ay close naman sa kanya.
“Sobrang close po namin. In the future, gusto ko po sanang… I want to be closer with her, so kung ligawan ‘yung way to get closer with her, then…“ sabay ngiti pa ng Sparkle hunk.
Noong nakaraang Valentine’s Day ay binigyan pala ni Raheel si Jillian ng bouquet of pink tulips at chocolate bars.
Noong 19th birthday naman ng teen star, hinintay ni Raheel na hatinggabi bago siya nagtungo sa bahay nito para magdala ng regalo, kasama ang isang puting pusa.
***
INAMIN ni Lexi Gonzales na normal na magkapikunan silang mga runners sa ‘Running Man Philippines.’
Very competitive daw ang mga misyon nila kaya minsan may mga napipikon
“Totoo naman po na hindi maiiwasan ‘yung pikunan. Ang madalas po talaga nagkakapikunan kami ni Angel Guardian, may mga moments.
“Pero dahil po dun sa mga natutunan namin last season, this time mas nama-manage na po namin nang maayos and that hindi na po lumalalim kung ano pa ‘yung mga naging samaan ng loob pa po namin,” sey ni Lexi.
Dagdag ni Lexi, mas mahirap daw this season dahil unpredictable ang mga nangyayari sa isang mission.
“Kasi po, hindi po talaga namin alam ‘yung challenges na gagawin namin. Kumbaga ‘yung preparations lang po na magagawa ko makapagdala po ako ng mga thermals, mga panlamig.”
***
MATUTUWA ang mga Pinoy fans ni Olivia Rodrigo dahil kasama sa kanyang GUTS World Tour ang Pilipinas.
Sa Instagram ng 21-year Fil-American singer, pinost nito ang dates ng kanyang shows sa Asia and Australia starting sa September.
Sa poster ay nakalagay ang “Stay tuned, Manila!”
Kasama sa kanyang pupuntan ang Bangkok, Seoul, Hong Kong, Tokyo at Singapore.
“Asia and Australia dates just announced!!! Hope to see ya there,” caption ni Olivia.
Kasalukuyang nasa Europe leg ng kanyang tour ang Grammy Award-winning singer.
Sumikat noong 2021 si Olivia dahil sa hit album niya na SOUR, kunsaan naging hit singles ang “Driver’s License”, “Deja Vu”, at “Traitor”.
Latest album niya GUTS na ang first single ay “Vampire”.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Aabangan ng netizens kung sino ang tinutukoy sa tweet: POKWANG, may reresbakan na matandang walang pinagkatandaan
NAGKAROON ng online mediacon para sa Argentinian movie na “Pasional” kunsaan ay pinagbibidahan ito ng Kapuso actress na si Andrea Torres. Humarap via zoom si Andrea kasama ang cast at production ng movie since katatapos lang nilang mag-shooting sa ilang beaches sa Pilipinas tulad ng Palawan . Sabi nga namin kay […]
-
Higit 25K households tanggal na sa 4Ps
UMABOT na sa 25,904 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tanggal na sa programa nang makitang kaya na nilang makapamuhay ng maayos para sa pamilya. Ayon sa DSWD, ang nasabing bilang ay base na rin sa datos nitong first quarter ng taong kasalukuyan. […]
-
Anytime ay isisilang na ang first baby nila ni Greg: ANGELICA, ‘di na makapaghintay na maibigay ang regalo sa kanyang ‘rare one’
MASAYA talaga ang actress na si Angelica Panganiban ngayon. Nakikita ito sa aura niya at iba rin ang mababakas na contentment sa kanya. Kaarawan ng kanyang partner, ang ama ng magiging anak niya na si Greg Homan. Obviously, naging malapit na rin talaga kay Greg ang mga kaibigan ni Angelica tulad ng very close […]