• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Very rare adverse effect’: AstraZeneca vaccine, ligtas pa rin iturok sa mga Pilipino – FDA

Nanindigan ang Food and Drug Administration (FDA) na ligtas pa rin ang COVID-19 vaccine ng kompanyang AstraZeneca.

 

 

Ito ay sa kabila ng desisyon na pansamantalang pagsususpinde sa paggamit ng naturang bakuna.

 

 

“It’s (still) a useful vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.

 

 

Nitong Miyerkules nang kilalanin ng European Medicines Agency (EMA) ang posibleng pagkaka-ugnay ng mga kaso ng blood clotting at mababang platelet count sa ilang nabakunahan ng AstraZeneca.

 

 

Pero nilinaw din ng ahensya na “very rare adverse effect” lang ang mga kaso at ligtas pa rin itong gamitin sa tao.

 

 

“Of course at the same time reiterating that the benefit still outweighs the risk.”

 

 

Nakausap na raw ng FDA ang mga opisyal ng AstraZeneca at nangakong ilalagay sa label ng kanilang bakuna ang blood clotting at mababang platelet count bilang “very rare adverse effect.”

 

 

Ayon kay Domingo, naipaalam na nila sa Department of Health at mga vaccinators ang bagong impormasyon tungkol sa indikasyon ng AstraZeneca vaccine.

 

 

“Tamang-tama mauubos na kasi yung ating AstraZeneca first batch. So its a good time for us to take a pause and take a look at this para before we deploy the next batch, ready tayo.”

 

 

Nilinaw ng FDA chief na pwede pa ring gamitin ang mga natitirang doses ng bakuna sa senior citizen.

 

 

Ito’y dahil limitado sa mga may edad 59-years old pababa ang ebidensya ng mga kaso, at ang ipinatupad na suspensyon.

 

 

“Sila yung at highest risk of getting and dying for COVID-19. Pwede naman natin ubusin yung mga natitirang doses sa kanila.”

 

 

Sa susunod na linggo raw posibleng maglabas ng bagong patakaran ang FDA sa pagbabakuna ng AstraZeneca.

 

 

Kailangan lang daw nilang makausap muna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) at World Health Organization (WHO).

 

 

Una nang sinabi ng Department of Health na may inaasahang dagdag na supply ng AstraZeneca vaccines ngayong buwan mula sa COVAX Facility.

 

 

“Para by the time bago natin ma-deploy yun, kung mayroon tayong pagbabagong advise sa mga pasyente na babakunahan, ready na tayo sa ating mga bagong guidance at information.”

Other News
  • Ads June 5, 2021

  • PH men’s volleyball team ng bansa desididong makakuha ng gold medal sa SEA Games

    TINIYAK  ng Philippines men’s volleyball team na mayroon silang malaking improvements sa pagsabak nila sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Sila kasi ngayon ang binabantayan na koponan matapos na makakuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.     Bagama’t hindi na nagsisimula ang mga liga ng mga volleyballs sa bansa […]

  • PBBM, nakipagkita sa mga energy officials sa gitna ng tumataas na presyo ng langis

    NAKIPAGKITA at nagdaos ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga energy officials sa gitna ng sumisirit na presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Ito rin ang dahilan kung bakit tumaas ang inflation sa bansa.     “Sa pandaigdigang krisis ng pagtaas ng […]