• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Veteran journo Dindo Amparo, nanumpa bilang hepe ng PBS-BBS

OPISYAL nang nanumpa ang veteran broadcast journalist na si Fernando Sanga, mas kilala bilang Dindo Amparo, bilang bagong director general ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS).

 

 

Nanumpa si Sanga sa harap ni Communications Secretary Cesar Chavez sa isinagawang turnover ng liderato ni outgoing PBS-BBS chief Rizal Giovanni Aportadera, Miyerkules ng gabi.

 

 

Ibinahagi naman ng Presidential News Desk (PND) ang ilang larawan na kuha sa oath-taking ni Sanga.

 

 

Sa kasalukuyan, ang PBS-BBS ang nagmamay-ari at nago- operate ng radio stations sa buong bansa kasama ang DZRB Radyo Pilipinas Manila bilang flagship station nito.

 

 

Nagsimula ang media career ni Sanga noong 1987 bilang reporter ng DZRB sa Lucena.

 

 

Nagsilbi rin siya bilang development information officer ng Philippine Information Agency mula 1987 hanggang 1989 at announcer-reporter sa PBS-BBS mula 1989 hanggang 1994.

 

 

Naging ABS-CBN reporter mula 1994 hanggang 2005 at kalaunan ay kinuha ang papel bilang ABS-CBN news bureau chief sa Dubai mula 2005 hanggang 2010.

 

 

Nagsilbi rin siya bilang ABS-CBN head ng news gathering at assistant vice president. (Daris Jose)

 

Other News
  • CHR nanawagan sa mga otoridad na agad na tutukan ang mga election-related violence

    HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga otoridad na tutukan ang mga naganap na election-related violence noong kasagsagan ng halalan nitong Mayo 9.     Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na karamihang sa 16 election related incidents ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Dahil aniya […]

  • Sa isyu ng war on drugs ni Duterte at Sen Bato… ‘Desperate diversionary tactic’, paniniwala ng mambabatas

    ITO ang paniniwala ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magsasagawa ng motu proprio investigation sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte.   Naniniwala pa ang mambabatas na ang planong imbestigasyon ay upang mailayo ang atensiyon sa pagkuha ng tunay na accountability.   “Sino ang […]

  • MARIAN, hectic ang schedules sa ‘Miss Universe’ kaya imposibleng makapunta sila ni DINGDONG sa Holy Land

    CHANCE na sana ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapasyalan ang Holy Land since first time lamang nilang nakapunta sa Israel dahil naimbitahan nga si Marian na maging isa sa mga judges ng 70th Miss Universe sa Eilat, Israel.     Pero mukhang hindi sila makakasingit sa hectic schedules ni […]