• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vhong Navarro, kalaboso na sa Taguig jail

NAILIPAT na noong Lunes sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City ang aktor na si Vhong Navarro buhat sa kanyang pagkakadetine sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

Nakadetine ngayon sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.

 

 

Ang paglilipat ng kulu­ngan sa aktor ay matapos na maglabas ng “commitment order” ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon si Navarro at iniutos sa NBI-Security Management Section noong Nob. 14.

 

 

Kahapon ng umaga, ­ineskortan na ng mga ahente ng NBI si Navarro patungo sa Taguig City Jail.

 

 

Nakulong si Navarro makaraang sumuko noong Setyembre sa NBI nang maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng mo­delong si Deniece Cornejo. (Daris Jose)

Other News
  • Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami

    Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala.   Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala.   NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120.   Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]

  • Vic Sotto and Piolo Pascual’s ‘The Kingdom’ Reimagines an Uncolonized Philippines this MMFF 2024

    PREPARE to see The Philippines “that might have been” with The Kingdom, one of the most-awaited Metro Manila Film Festival (MMFF) entries this year.     This bold new film reimagines the nation as a land untouched by colonization, where a powerful monarchy still rules. Directed by Mike Tuviera, DGPI and produced by MQuest Ventures […]

  • Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na

    NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings.   Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament.   Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos.   Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal.   Sinabi […]