• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vhong Navarro, kalaboso na sa Taguig jail

NAILIPAT na noong Lunes sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City ang aktor na si Vhong Navarro buhat sa kanyang pagkakadetine sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

Nakadetine ngayon sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.

 

 

Ang paglilipat ng kulu­ngan sa aktor ay matapos na maglabas ng “commitment order” ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon si Navarro at iniutos sa NBI-Security Management Section noong Nob. 14.

 

 

Kahapon ng umaga, ­ineskortan na ng mga ahente ng NBI si Navarro patungo sa Taguig City Jail.

 

 

Nakulong si Navarro makaraang sumuko noong Setyembre sa NBI nang maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng mo­delong si Deniece Cornejo. (Daris Jose)

Other News
  • Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

    HINDI  umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA). Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), […]

  • P10-K special risk allowance para sa private healthcare workers, pasok na sa Bayanihan 2

    Pasok na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act  (Bayanihan 2) ang tax-free P10,000 special risk allowance sa mga private health workers.   Ito ay matapos na magkasundo ang mga miyembro ng bicameral conference committee na pagtibayin ang naturang probisyon na nakapaloob sa bersyon ng Kamara ng Bayanihan 2.   Kabuuang P10.5 billion […]

  • 8 lungsod sa National Capital Region makakaranas ng water service interruption

    NAGPAALALA ang Maynilad Water Services, Inc. sa walong lungsod sa National Capital Region (NCR) na maaaring makaranas ng water service interruption mula Oktubre 12 -16.     Sinabi ng Maynilad na ang service interruption ay magaganap araw-araw sa mga nasabing petsa mula 9 a.m. hanggang 11 p.m. sa ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Las Pinas, […]