Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.
Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– at Frank Gregorio – 25 – na kinasuhan na kahapon ng double murder.
“Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko,” tweet ni Vice.
Tweet naman ni Maine ; “BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS.
“Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubungad sayo. Ang sakit talaga sa puso… #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality,” dagdag ni Maine·
Maging si Alessandra de Rossi ay galit ang naramdaman sa ginawa ng pulis noong Linggo ng hapon sa harap mismo ng anak niyang menor de edad. “Di” dapat yan, hindi Jon. Pota. #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality. Justice sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay dahil lang sa init ng ulo ng ibang tao. It’s not fair.”
Pahayag naman ni Julius Babao – “Gusto kong maniwala na maraming pulis pa din ang mabubuti, Ang PNP ang dapat gumawa ng paraan para maayos nila ang kanilang hanay dahil ang video na ito ay patunay na mayroon talagang mga abusadong pulis na umaastang sila na ang batas at gobyerno. #StopTheKillingsPH.”
Kuhang-kuha sa video ang brutal na pagbaril ng pulis sa ulo ng mag-inang walang nagawa.
-
DepEd, nagsisi sa kakulangan ng guidance counselors, nangako na aayusin ang pay issue
AMINADO ang Department of Education (DepEd) na kapos ito sa guidance counselors para daluhan ang “psychosocial needs” ng mga estudyante. Ang kakapusan sa mga guidance councilors ay bunsod ng mababang bayad at kakulangan ng career progression. “Nahihirapan tayo mag provide ng guidance counselors sa lahat ng paaralan dahil sa salary grade […]
-
Di umano’y CPP acting chair, inaresto sa Quezon City — NSC
INARESTO ng mga awtoridad ang di umano’y acting chairperson ng Communist Party of the Philippines (CCP) sa Fairview, Quezon City para sa kasong ‘kidnapping at murder’. Kinilala ni National Security Council (NSC) National Security Adviser Eduardo Año ang inaresto na si Wigberto “Baylon” Villarico. “We commend the AFP, the PNP, and the NTF-ELCAC […]
-
Seguridad sa South Metro pinaigting, higit 2K pulis ikakalat
KASADO na ang planong “Ligtas Paskuhan 2023” upang maagap na bantayan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at mga dumarayo sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nasa hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD). Sinabi ni SPD officer-in-charge P/Brig General Mark Pespes, ang deployment plan ng mga tauhan ay kinabibilangan ng 2,425 […]