• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VICE GANDA, na-excite pa sa kissing scene ni ION sa sexy-comedy film

ALAM na alam daw ni Vice Ganda ang magiging kissing scene sa pagitan ng boyfriend na si Ion Perez at sa pinu-push ng VIVA na bagong artist na si Sunshine Grimary.

 

 

Nabasa raw niya ang script at hindi na raw kailangan pang magpaalam si Ion sa kanya.

 

 

     “Siyempre alam ko yun dahil ako ang manager ni Ion at ako ang pumirma sa kontrata, ‘di ba? Nae-excite ako at sobra kong proud na ay ang taray, may nakuhang ganung role si Ion, na siya ang pinili. Ang taray mo, you’re the chosen one.”

 

 

Kilala rin naman daw niya si Sunshine dahil nai-guest na niya ito sa GGV.

 

 

      “Ako, go lang ako, nasa showbiz tayo. Trabaho yun. Kikita siya do’n, ‘di ba? Bibili niya ko ng bagong rubber shoes,” biro pa niya.

 

 

Hindi lang sigurado si Vice kung mapapanood niya ang movie o ang love scene mismo nina Ion at Sunshine. Kasi raw, si Ion mismo, ayaw na pinapanood ang sarili nito.

 

 

     “Kahit sa pelikula ko na nandoon siya, hindi siya sumasama sa sinehan, nahihiya siya. Kahit yung Mang Kepweng na bumili pa ko ng tickets para panoorin namin noong Pasko, ayaw niyang panoorin.

 

 

      “So, hindi ko alam kung panonoorin namin dahil nahihiya talaga siya.”

 

 

Sa totoo lang, siya raw ang nagsabi kay Ion na sexy-comedy ang tema ng movie. Nagulat pa raw ito ng malamang may laplapan kaya hirit niya sa jowa, “Paanong magiging sexy-comedy kung walang laplapan? Tapos sabi niya, paano yun? Sabi ko, aba, hindi ko alam, hindi naman ako nakipaglaplapan sa babae ‘no! 

 

 

     “Ako, go lang ako, deds ako sa ganun. Super support ako. Siyempre, success niya sa yun and Ion is a different person. Iba si Ion, iba si Vice. Hindi rin pag-aari ni Vice si Ion. Pwede siyang lumipad, lipad ka lang diyan, papalakpakan kita.”

 

 

      ***

 

 

NADISMAYA yata ang mga “fan” nina Juliana Gomez at Andres Muhlach.

 

 

O posibleng mga tagahanga ng mga tatay nila na sina Richard Gomez at Aga Muhlach na nagwi-wish at umaasam.

 

 

May mga comment kasi kaming nabasa na akala raw nila, sina Juliana at Andres na. Bigla kasing lumitaw sa social media na ang National player ng Fencing mula sa Ateneo de Manila na si Miggy Bonnevie-Bautista ay boyfriend na nga ba ni Juliana?

 

 

Kung pagbabasehan naman kasi ang pinost ni Miggy sa kanyang Instagram account at kung gaano ka close o cozy ng dalawa, aba e, madali naman talagang masabi na sila nga.

 

 

Naalala namin si Richard sa diumano’y boyfriend ng kanyang unica hija na si Juliana.  Katulad ni Richard, into sports din ang non-showbiz guy.

 

 

So, ‘di-malayong sports ang isa sa common interest nila, bukod sa marami rin silang common friends.  Cute si Miggy. At kamag-anak ng nanay nito ang actress na si Dina Bonnevie.

 

 

Positive naman ang reaction ng karamihang netizens, lalo na sa nakakaalam ng background ng guy. Bagay raw ang dalawa.

 

 

***

 

 

BLIND ITEM: Nanghihinayang kami na mauuwi rin sa hiwalayan ang showbiz couple na ito lalo pa nga’t may anak na sila.

 

 

Pero sa isang banda, parang hindi na rin naman kami nagulat kung totoo ngang hiwalay na sila.

 

 

Posibleng ang biglaang pagpapakasal din nila ang isa sa mga dahilan at ngayon nila mas napu-prove na dapat, hindi muna itinuloy o nagmadaling magpakasal.

 

 

Nakikita pa namin na nagpa-follow pa rin sila sa isa’t-isa sa kanilang mga social media accounts. At nagla-like rin sila sa post from time to time. Pero kapansin-pansin na wala na silang mga pictures together at tila hindi na rin magkasama sa ilang importanteng okasyon. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Fernando mandates temporary suspension of mining activities, demands DPWH, LTO, PNP, HPG to help crackdown overloading

    CITY OF MALOLOS – To address the ongoing issue on dilapidated roads and over-mining in the province, Bulacan Governnor Daniel R. Fernando issued Executive Order No. 21 which mandated the temporary suspension of all mining permits, quarrying, dredging, desilting and other type of mineral extractive operations within Bulacan.     During the dialogue with the […]

  • Sandra Cam dawit sa kasong murder – NBI

    Nirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaso ng murder kay Philippine Charity Sweepstakes board member Sandra Cam, kasama pa ang anak nito, sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.   Dawit din sa kasong murder sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz, na […]

  • Isang matinding ‘never’ at napa-eeeeew! ang anak: CIARA, malabo pang magka-boyfriend dahil tutol pa si CRIXUS

    SA latest Q & A vlog ng actress na si Ciara Sotto, sinagot nga niya ang mga tanong tungkol sa status ng kanyang pakikipag-relasyon.     Naitanong kay Ciara kung may boyfriend na ba siya, pagkatapos ng paghihiwalay ng asawang businessman na si Joe Oconer noong 2016.     Nakaaaliw naman ang naging reaction ng […]