• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VICTORY PARADE NG LAKERS APEKTADO NG COVID-19

KUMPARA sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship.

 

Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag- iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

 

“We cannot wait to celebrate our NBA title with our fans,” pahayag ng Lakers management. “After consulting with the City and the County, we all agree that a joyful and inclusive public celebration will take place as soon as it is safe to do so. In the meantime, thank you again, Lakers Nation, for your support!”

 

Inangkin ng Lakers ang korona matapos talunin ang Miami Heat sa Game 6 ng 2020 NBA Finals sa Lake Buena Vista, Florida na tumapos sa kanilang 95-day stay sa loob ng bubble.

 

Ito ang unang NBA crown ng Lakers matapos noong 2010 kung saan nagbida ang namayapang si Kobe Bryant.

 

Nagbalik ang koponan sa Los Angeles kahapon para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

 

Halos 1,000 tao ang nagtungo sa downtown para magdiwang habang ang ilan ay dumiretso sa Staples Center na home court ng Lakers.

 

Humalo sa pagdiriwang ng mga fans ang ilang “unruly individuals’’ na naghagis ng mga baso, bote, bato at iba pang bagay sa mga officers at 30 buildings at businesses naman ang napinsala.

 

Inaresto ng mga pulis ang 76 katao na sangkot sa nasabing panggugulo.

Other News
  • NCR finance managers, sinanay para sa transparent, efficient fund use- DBM

    IBINAHAGI ng Department of Budget and Management (DBM) na ginawa nitong mahusay ang 255 public financial management (PFM) practitioners, kabilang na ang mga budget officers, auditors, at finance officers mula local government units (LGUs) ng Kalakhang Maynila upang masiguro ang ‘responsable, transparent at episyenteng’ paggamit ng public funds.     Sinabi ng DBM na ang […]

  • Globe at SPEEd, solid pa rin ang partnership para sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’

    TULUY-TULOY pa rin ang kolaborasyon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Globe para sa taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS. Ngayong 2024, muling magsasanib-pwersa ang SPEEd at leading telecom sa bansa Globe para sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin ngayong Hulyo. Inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang […]

  • PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco

    PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco para kamustahin ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga rehistradong Navoteño PWDs kung saan nakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P3,000. Nagpasalamat naman si Tiangco kay President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez dahil sa naturang programa. (Richard Mesa) […]