VILLAR NAGBITIW NA SA DPWH
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
MAGBIBITIW na ngayong linggong ito sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Sec. Mark Villar.
Ito ang inanunsyo kahapon ng kalihim ngunit hindi nan binanggit ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
“This is my last day after 5 years. I have officially filed my resignation effective Wednesday, so I will be stepping down on Wednesday as Secretary,” pahayag ng kalihim
“Sinabi ko na kay Presidente na ito ang pinakamalaking karangalan sa buhay na maging bahagi ng DPWH,” dagdag pa ni Villar
Nauna nang inihayag ng PDP-Laban party na tatakbo si Villar sa darating na 2022 elections.
Sa kanyang talumpati sa kanyang huling flag raising ceremony bilang kalihim ng DPWH, binigyan ng pagkilala ni Villar ang departamento at ang mga kawani nito, na sinasabing siya ang “pinakasuwerteng tao” na nakikipagtulungan sa kanila matapos na itinalaga siya sa posisyon noong 2016.
Aniya sa nagdaang limang taon na pagseserbisyo sa departamento, pakiramdam niya ay mayaman na mayaman siya dahil sa lahat ng “friendship” na nagawa niya sa departamento.
” Kaya mayaman na mayaman na ako dahil sa inyong lahat,” ayon pa sa kalihim.
Hindi naman batid pa kung sino ang papalit sa iiwanang puwesto ng kalihim. GENE ADSUARA
-
3 drug suspects kulong sa P160K shabu sa Malabon
KULONG ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P160K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Obet, 45, alyas Bosho, 36, at alyas Bok, […]
-
Nanliligaw pa rin pero malapit na raw sagutin DERRICK, inaming si ELLE na ang gusto niyang pakasalan
IPINAGDIINAN ni Derrick Monasterio na “nanliligaw” pa rin daw ang status niya kay Elle Villanueva, sa kabila ng mukhang sila na naman. Pero tingin naman daw niya, malapit na siyang sagutin ni Elle. Ang nagulat kami, being known as may pagka-playboy, kay Elle ay gusto na raw niyang ito na ang pakakasalan niya. […]
-
Pag-unfollow ni PAOLO kay LJ, effective dahil nag-number one sa Netflix ang movie nila ni YEN
GIMIK man o totoong may “something” o may pinagdaraanan ngayon ang mag-partner na sina Paolo Contis at LJ Reyes dahil sa pagkaka-unfollow ni Paolo sa Instagram ni LJ at pagdi-delete rin ng mga pictures nila, ang sigurado, epektibo ang nangyari. Effective dahil ang movie ni Paolo ngayon sa Netflix na A Far Away Land katambal […]