• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VILMA, pangarap pa rin ni Direk BRILLANTE na makatrabaho sa isang movie; type ding maidirek sina JOSHUA at NADINE

BIHIRA ang pagkakataon na makakwentuhan ang Cannes Palme D’Or winner director na si Brillante Mendoza.

 

 

We were fortunate na naimbita ng award-winning director sa kanyang Secret Garden sa Mandaluyong, na ang laki na nang pagbabago since the last time we were able to go there many years ago.

 

 

Kahit na mahaba ang kwentuhan with direk Brillante, karamihan naman dito ay off the record muna. Saka na lang daw niya sasabihin pag pwede na isulat ang mga off the record statements na kanyang tinuran.

 

 

Pero may mga portions din naman ng kwentuhan na pwedeng i-share. Tulad ng reunion movie nila ni Coco Martin kung saan katambal ng actor si Julia Montes.

 

 

Nakatrabaho na niya si Julia sa isang project before and pinuri niya ang kahusayan nito.

 

 

“It is a wonderful experience to work with her. Dahil nakatrabaho ko na siya before kaya hindi na siya nanibago sa artistic and creative process ko. Alam naman ninyo na ang mga pelikula ko parang improve. Wala akong script. I just give the situation sa artista at sila na ang bahala sa linya nila. Kaya ang mga dialogues totoo. Galing sa puso, hindi scripted.”

 

 

Ang mahirap daw pag may script, sabi ni direk Brillante, the actor has the tendency na memoryahin ang linya. Ang gusto niya, spontaneous ang dating. Natural.

 

 

Kami rin ang unang group of people na nakapanood ng bago niyang movie titled GenSan Punch, na tiyak na magugustuhan ng mahihilig sa boxing.

 

 

Kwento ito ng isang Okinawan boxer na may disability at ang kanyang naging pagpupursige para makakuha ng professional boxing license.

 

 

Bida rito si Shogen, na one year nag-training ng boxing bago sinimulan ang pelikula. Mga tunay na boxers sa GenSan ang nakalaban ni Shogen kaya tiyak nagkasakitan din sila during the shoot. Maganda ang kwento and very engrossing.

 

 

Kasama sa movie ang mga Pinoy actors na sina Beauty Gonzales, Ruby Ruiz, Jomari Angeles, Jun Nayra, Vince Rillon at ang namumukod tanging si Ronnie Lazaro.

 

 

Pangarap pa rin ni direk Brillante na makagawa ng movie with Vilma Santos. May project sana for Vilma pero hindi ma-accommodate dahil sa schedule ng actress-turned politician.

 

 

Gusto rin niyang makatrabaho si Joshua Garcia. At kung walang legal impediment, may magandang horror script siya na ang gusto niyang magbida ay si Nadine Lustre.

 

 

***

 

 

LAST Saturday, tampok sa Maalaala Mo Kaya ang kwento ni Nesthy Petecio, ang Pinay boxer na nagwagi ng silver medal sa Tokyo Olympics.

 

 

Historic ang panalo ni Nesthy dahil ito ang unang silver medal na napanalunan ng babaeng boxer mula sa Pilipinas.

 

 

Pero tuloy ang pangarap ni Nesthy na manalo ng gold medal para sa Pilipinas kaya tuloy pa rin ang training niya sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Sana ay i-feature din ng MMK ang kwento ni Carlo Paalam, who also won silver medal sa boxing.

 

 

Very meaningful kay Carlo ang kanyang silver medal dahil dati siyang scavenger. Ang mga Olympic medals ay gawa sa scrap ng mga cellphones at laptop kaya nai-relate ito ni Carlo sa kanyang buhay.

 

 

Who would have imagined na ang dating scavenger ay magiging isang silver medalist sa Olympics.

 

 

For sure, madrama rin ang buhay ni Carlo at marami ang mai-inspire kapag naipalabas sa MMK ang buhay niya.

 

 

Bilib nga kami sa MMK dahil nakagawa agad sila ng episode ng sa buhay ni Nesthy Petecio.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • DBM naglabas ng P2.76-B para sa COVID-19 vaccines

    Base sa latest data ng DBM, hanggang noong, Enero 14, 2021, inilabas ang special allotment release order (SARO) noong Disyembre 28, 2020, na nagkakahalaga ng P1.49 billion.   Ang halagang ito ay advance payment sa biniling bakuna sa ilalim ng $100-million Covid-19 emergency response project loan sa World Bank noong nakaraang taon.   Bukod dito, […]

  • TONI, tinutuligsa ng netizens dahil sa vlog na in-interview si ex-Senador BONGBONG

    MARAMI ang curious kung ang ina ba ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay boto kaya sa present boyfriend niya na Dominic Roque.     Masasabing marami na rin ang nag-aabang at natutuwa sa mga reaction o comment ng mommy ni Bea na si Mommy Mary Anne simula nang naipi-feature ito ni Bea sa […]

  • MAJA, nagtayo ng sariling management company at forever grateful sa Star Magic/ABS-CBN; ‘Niña Niño’, malapit ng mapanood sa TV5

    NAGTAYO na ng sariling management company si Maja Salvador na kung saan excited na siya sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.     Post niya sa kanyang Instagram account, “Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I […]