• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VIN at SOPHIE, aminadong ngayon lang nagsi-sink-in na magiging parents na

BABY Girl pala ang magiging first baby ng mag-sweethearts na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

 

 

Hindi naman kami nagulat dahil ang ganda at ang blooming na buntis ng Kapuso star. Aminado itong ngayon na lang talaga nagsi-sink-in daw sa kanilang dalawa ni Vin na in a few months ay magiging mga mommy at daddy na sila.

 

 

“Actually ngayon na lang siguro kami naging happy kasi, nag-sink-in na lahat. Pero before, sobrang kabado talaga namin ni Vin kasi ang dami rin mga bagong responsibilities.

 

 

    “You’ll be living in a new place, e, ako, bunso ako so, beybing-beybi talaga ko sa pamilya and now, I’m having my own baby.

 

 

“I’m really scared, pero sabi naman, everything will be alright. Being a parent is a happy experience, so I’m looking forward to that.”

 

 

Engaged na rin sila at naka-planong magpakasal.  Pero sabi nga ni Sophie nang makausap namin, eight years na rin ang relasyon nila ni Vin at pareho raw kasi silang career-driven kaya parang hindi talaga naiisip na ilagay sa next level ang eight years relationship nila.

 

 

Kaya feeling daw niya, baka si Lord na rin daw ang kumilos at nangyari ang lahat. Though, sabi ni Sophie, siyempre, ideally, marriage muna raw sana ang gusto nila before baby.

 

 

Happy si Sophie at nagpapasalamat sa GMA-7 dahil ramdam daw niya kung paano siya suportahan sa new phase na ito ng buhay niya.

 

 

***

 

ISA na naman sa dating pangarap lang ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang natutupad.

 

 

Simula na nga ng shooting nila ni Bea Alonzo.

 

 

Ang movie nila na galing sa dalawang adaptation, ang Pure Soul ng Japan at ang A Moment to Remember ng Korea.

 

 

Mixed-emotions daw ang nararamdaman ni Alden dahil finally, magsisimula na ito. Dati ay nasa wish list lang din ni Alden si Bea among actresses na gusto niyang makapareha.

 

 

As for his role, sey nito, “Wala akong natututunan kung laging do’n lang ako sa comfortable roles pero ngayon, after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang yung kaba kasi hindi biro yung role.”

 

 

Co-production ng VIVA, GMA Films at APT Films ang pagsasama ng dalawa na ang balita, hihintayin pa rin naman talaga na open na talaga ang mga sinehan kapag ito ay ipinalabas. (ROSE GARICA) 

Other News
  • Taun-taon: Australia, magbibigay ng ‘work, holiday’ visa sa 200 Pinoy

    INANUNSYO ng Australian Embassy sa Maynila na magpapalabas ito ng “work and holiday” visas sa 200 Filipino na may edad na  18 hanggang 30, simula sa taong 2024.     Kasunod ito ng reciprocal visa arrangement sa pagitan ng Maynila at Canberra.     Sa isang kalatas, sinabi ng Embahada na ang Pilipinas ay magiging […]

  • Pondo sa rehabilitasyon, kabuhayan ng quake victims tiniyak ni Romualdez

    TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na hahanapan ng administrasyong Marcos ang ilang daang milyong pisong kakailanganin para sa rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, fish port, at ibang imprastrakturang nasira ng 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao nitong nakalipas na Biyernes.     Ito ang paniniyak ni House Deputy Majority Leader for Communications […]

  • Mababasa sa libro ng ‘Shazam’ star na ‘Radical Love’: ZACHARY LEVI, naging open sa mga pinagdaanang mental health struggles

    DAHIL sa critically-acclaimed performance ng Filipino actress na si Dolly de Leon sa Palme d’Or winning Swedish film na Triangle of Sadness, pinapirma siya ng artist company na Fusion Entertainment para sa management ng kanyang acting career.     Ang naturang artist management company ang siyang mag-represent kay Dolly sa mga offers nitong for film […]