• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VIN at SOPHIE, in-announce na engaged at magkaka-anak na

PAGKATAPOS ng eight years bilang couple, inihayag na nina Vin Abrenica at Sophie Albert, na engaged na sila to be married. 

 

 

Two months ago nang mag-propose si Vin kay Sophie, at last Saturday, February 13, nag-announce sila pareho sa kani-kanilang Instagram account, na engaged na sila, kasama ang kanilang prenup photos.

 

 

   “You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for.  It’s you @itssophiealbert.  We’ve grown up together and I look forward to growing old together.  Good luck, you are stuck with me for life.” Post ni Vin last December 12, 2020.

 

 

From Sophie: “We’ve been savouring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED! Thank you @vinabrenica for everything.  Thank you for being you and for making everything special.  I am blessed to have you as my best friend for life!

 

 

Kasunod ng engagement, last Valentine’s Day, sinorpresa na nina Sophie at Vin ang social media followers nila, sa video na they are expecting their first child together.

 

 

“I can’t wait to hold you,” sabi ni Sophie sa Ig post niya showing off her baby bump.

 

 

“Thank you everyone for your all warm wishes. Our hearts are full.   Happy Valentine’s Day, I hope all your hearts are filled to the brim.”

 

 

Si Vin naman, hindi na raw niya mahintay ang kanilang little one. “Ahhh! I can’t wait! Gigil!”

 

 

Bago ang announcement, ipinost muna nina Sophie at Vin ang paglipat nila sa sarili nilang bahay. Kaya, sunud-sunod ang pagbati kina Sophie at Albert ng mga friends at mga kasama nila sa industriya.  Mapapanood ang full video sa YouTube channel ni @vinabrenica

 

 

***

 

 

     ASIA’S Multimedia Star Alden Richards is the ambassador ng GMA Now, at sa launch nito, nangako siya na tulad niya, ay magugustuhan din ng mga Kapuso fans ang latest digital TV product ng GMA Network.

 

 

“Bilib ako sa portability at convenience na ino-offer ng GMA Now,” pahayag ni Alden.

 

 

“Kahit saan ako magpunta, within the coverage area, mapapanood ko lahat ang mga GMA shows.  May feature rin na pwede mong balikan ‘yung previous episodes through video-on-demand, kaya talagang mai-entertain ka, kahit naka-standby or commuting ka.  Meron din itong features na pwede kang makipag-chat at panoorin ang mga shows kasama ng iyong mga friends, pede rin kayong mag-join ng exclusive promos at manalo ng prizes! Kaya kahit nasaan ka, hindi ka na mahuhuli sa mga paborito mong Kapuso shows dahil sa mobile digital TV receiver na ito.”

 

 

Madali lang ang gagawin para sa ibang features nito.  I-download lang ang libreng GMA Now app sa Google Play store, mag-register at ikabit na ang dongle sa inyong smartphone. Mabibili ang GMA Now sa halagang P 649 lamang.

 

 

***

 

 

MUKHANG ang pagkakaroon na ng baby ng actor na si Carlo Aquino at ng girlfriend niyang si Trina Candazo, ang naging daan para umamin na sila at ipinost na nila sa social media ang binyag nga baby girl nilang si Enola Mithi, kamakailan lamang.

 

 

September 2020, sinurpresa nina Carlo at Trina ang online world nang ipakilala nila si Enola, one year after umamin na si Carlo sa real score ng relasyon nila ni Trina. Nagpasalamat din si Carl;o sa mga taong rumespeto sa kanilang privacy tungkol sa pregnancy journey ni Trina. (NORA V. CALDERON) 

Other News
  • Marcos, inilatag ang mga prayoridad para sa 2023 national budget

    INATASAN ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si incoming Department of Budget and Management (DBM) secretary Amenah Pangandaman na tiyakin na ang kanyang priority sectors ay makakakuha ng suporta mula sa 2023 national expenditure program.     Sinabi ni Pangandaman, sa isang kalatas na bilang karagdagan sa economic reconstruction target ni Marcos Jr., nais ng […]

  • Mandatory vaccination sa mga workers simula na sa Dec. 1 – Roque

    Sisimulan na ang gagawing mandatory sa vaccination sa mga on-site employees sa public and private sectors na may sapat na supply ng bakuna sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.     Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga […]

  • BBM, MAKIKIPAGTULUNGAN SA SIMBAHAN

    HANDANG makipagtulungan si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa simbahan.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, sinabi nitong positibo ang kanilang pag-uusap para sa mas matibay na relasyon ng pamahalaan at simbahan.     “We had a very productive, encouraging and positive discussion and the […]