• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan

NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, 44, welder na naging dahilan upang ipaalam sa Caloocan Police Sub-Station 5.

 

 

Kaagad na rumesponde sa naturang lugar ang team ng Caloocan Police Station Explosive and Canine Unit (SECU) sa pangunguna ni PLT Leo Limbaga, kasam sina PSSg Rowell Aguiling at PSSg Jojo Basquinas, kapwa EOD technician.

 

 

Para ma-secure ang lugar, kinordunan ito nina PSSg Aguiling at PSSg Basquinas saka pinayuhan ang karamihan na maghanap ng ligtas na lugar bago sinuri ang status ng naturang UXO at isinagawa ang render safety procedure sa pamamagitan ng PUCA (Pick up and Carry away) kung saan narekober ang kinakalawang na tatlong unexploded ordnance at apat exploded ordnance.

 

 

Ani PLT Limbaga, ang naturang unexploded ordnance ay considered na lubhang mapanganib kung saan dinala ito sa SECU-Caloocan police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation.

 

 

Kamakailan, may nadiskubre din na hinihinalang vintage bomb sa isang sa excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35 ng lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, tinuldukan na ang appointment ni Morales bilang PSC chief

    TINULDUKAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment ni Presidential Security Command (PSC) Commander Maj. Gen. Jesus Nelson Morales. Sa katunayan, kinumpirma ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang pagtatapos ng pagkakatalaga kay Morales bilang pinuno ng PSC.     Ani Castro, papalitan ni Brig. Gen. Peter Burgonio si […]

  • Ads July 3, 2021

  • DHSUD, binuhay ang Luzon shelter clusters para sa bagyong ‘Julian’

    BINUHAY ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng matinding Tropical Storm Julian.   Sa katunayan, ipinag-utos ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagpapalabas ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, […]