• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Virtual 10th anniv concert ni Alden, wala ng urungan sa December

PUWEDENG alalahanin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang taong 2020 na sa kabila ng pandemya, nagawa niyang maka-survive at siguro, wala namang magko- contest na isa nga siya sa pinaka- in-demand at magtagumpay na artista kahit na sa panahong ito.

 

Noong October 10 na lang, al- though hindi naman personal na nakarating, through his video ay nagpasalamat si Alden sa panalo niya bilang “Pinakapasadong Aktor” para sa naging performance niya sa 2019 blockbuster film Hello, Love, Goodbye.

 

Aniya, “Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Here’s to more projects po and more experiences to come para sa ating lahat.”

 

Ang Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ay grupo ng mga film educators sa bansa na nagbibigay ng parangal sa mga artists, directors, films, TV shows, and music na may positibong nai-contribute sa social studies, language, arts, and humanities.

 

At sa gitna nga ng pandemic, tuloy-tuloy lang si Alden kanyang mga TV projects kabilang na ang All-Out Sundays at Eat Bulaga! as well as several endorsements. Katatapos lang din niya ang I Can See You with Jasmine Curtis- Smith. At ang inaabangan na ng mga fan niya, ang pagdiriwang pa rin ni Alden ng kanyang 10th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng kanyang virtual concert na Alden’s Reality ngayong December 8. (ROSE GARCIA)

Other News
  • MOSCOW’S DREAM ISLAND THEME PARK OFFICIALLY OPENS “HOTEL TRANSYLVANIA” ATTRACTION

    IN anticipation of the upcoming release of Hotel Transylvania: Transformania, the final chapter of the $1.3 billion film franchise from Sony Pictures Animation, Dream Island Theme Park, Europe’s largest indoor theme park located in Moscow, announced April 15 that it has officially opened the much-anticipated attraction “Hotel Transylvania.”     Dracula has opened up his lavish resort […]

  • Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM

    SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.       Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]

  • Sapat ang relief packs para sa mga taga Misamis Occidental na apektado ng matinding pagbaha

    MAY sapat na relief packs para sa mga residenteng apektado ng matinding pag-uulan sa Misamis Occidental       Ito ang ginawang pagtitiyak ni Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal kasunod na rin ng matinding mga pag-uulan at pagbaha sa kanilang rehiyon.       Ayon sa mambabatas, maliban sa naka-preposition na food packs at […]