‘Vitamin D’ sa caption, nilagyan ng kakaibang meaning: IG post ni PIA ng topless photos ni JEREMY, kinaaliwan ng mga netizens
- Published on March 22, 2023
- by @peoplesbalita
KINAALIWAN na naman ng mga netizens ang Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kung saan ibinahagi na naman ang topless at sexy photos ng kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey.
Kung anu-ano nga ang mga naging reaksiyon ng kanyang IG followers sa mga litrato ni Jeremy sa Seychelles, Africa na may caption na, “Another adventure with my love (blue heart emoji).
“My daily dose of Vitamin C…cos when I see you, oks na me. Kung may Vitamin D, mas happy (kasama ang sun at laughing and crying emojis). @jeremyjauncey.”
Say pa ng ilang netizens, parang may double meaning daw ang “Vitamin D” sa caption niya at nilagyan nga ng malisya.
Una ngang nag-comment ang friend niya na sikat na photographer na si BJ Pascual, “PIA WURTZBACH – A TRUE GAY ICON!!!!!”
“Panalo lagi caption ni Queen P!”
“Walang echos at eme! Nakakatuwa talaga ang sense of humor nya he he that’s why i love her.”
“Lakas maka inggit. Sana all may dilig!”
“Go Queen P! winner talaga palagi ang mga captions.. ahm yung Vitamin D as in Dilig? Sanaol!”
“Tuwang-tuwa mga bading souls namin siz @piawurtzbach.”
“Let her enjoy her Vitamins. jk love you both.”
“Hahahaha I love the honesty.”
HAHAHAHA! Vitamin D reveal! ”
“All you need is Vitamin J. Enjoy your adventure with your love!”
Kaya sa tanong ng isang netizen, “HAHAHAHAHAHHA WHATS THE VITAMIN D, QUEEN P?”
Sinagot naman ito ni Queen P ng, “Vitamin D na nakukuha sa sun exposure. Kayo naman!”
Comment pa ng mga netizens…
“Vitamin D, yung naglalabas ng vitamin C.”
“Ibang Vitamin C yung naisip ko sis @piawurtzbach haha chos!”
“PIA KWEENING GET THAT VITAMIN D!!!!”
“Vitamin d – lig hahahaha.”
“Vitamin D is the best!”
“Ang kalat… ang kalat ng isipan ng sambayang followers.”
Marami pang nakaaaliw na comments na umabot sa higit ng 1,600. Winner talaga si Pia sa mga ganitong caption.
Kaya sabi pa ng isang netizen, “Queen P is still relevant to our country which is the Philippines.”
(ROHN ROMULO)
-
Istasyon ng EDSA busway sa SM North nagkaroon ng ground breaking
MAGKAKAROON ng isang “state-of-the-art” na estasyon na tatawaging Edsa Busway sa SM North EDSA matapos ang ginawang seremonya para sa ground breaking ng nasabing proyekto. Tinatayang matatapos ang Edsa busway sa darating na July 31, 2024 kung saan ito ay magkakaron ng concierge, ticketing booth, at turnstiles para sa automatic fare collection […]
-
J.P. Morgan pinabulaanan ang maling ulat ukol sa pagbagsak ng Pinas sa listahan ng ASEAN investment
NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9. Sa isang pahayag, nilinaw ni Patricia Anne Javier-Gutierrez, Executive Director, […]
-
OCD, sa mga residente ng Cagayan Valley: Maghanda para sa epekto ng low pressure area
PINAYUHAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente ng Cagayan Valley (Region 2) na maghanda para sa potensiyal na epekto ng bagong low pressure area (LPA) na maaaring ma-develop sa isang tropical depression sa loob ng 24 oras. Sa ilalim ng paggabay ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at OCD Administrator […]