• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Volunteers, contributors sa Paeng fund drive at relief operations, pinasalamatan ng Kamara

PINASALAMATAN ng Kamara ang mga miyembro nito, volunteers at pribadong grupo at indibidwal na tumulong sa ginanap na fund drive at relief operations para sa biktima ng bagyong Paeng.

 

 

Nakapaloob ito sa House Resolution 531 na agad inaprubahan ng Kamara.

 

 

Ang resolusyon ay inihain nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos lll, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, at Quezon Rep. David Suarez.

 

 

Nakasaad sa resolusyon na ang bagyong Paeng ay nag-landfall sa Virac, Catanduanes nitong October 29 at patuloy na nanalasa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa loob ng tatlong araw, na nauwi sa pagkawalan ng buhay ng ilang kababayan, pagkasira ng pangkabuhayan, agrikultura at iprastraktura.

 

 

Tapos ang pananalasa ng bagyo, ay dumanas din ang naninirahan sa nasalantang lugar ng kontaminadong tubig, pagkawala ng suplay ng kuryente, problema sa waterborne at food-borne na sakit, at basic supply shortage.

 

 

Sa inisyatibo ni Speaker Romualdez, nagsagawa ang Kamara ng fund drive at relief operations na tinugunan ng mga miyembro ng Kamara, opisyal, empleyado at staff mula sa iba pang national government agencies, volunteers, at private entities.

 

 

Nagawang makakolekta ang Kamara ng P49.2 million na cash contributions at pledges at in-kind donations tulad ng kumot, food items at toiletries mula sa private entities. Ang cash at in-kind na donasyon ay naipamahagi sa mga biktima ng bagyo.

 

 

Pinasalamatan ng Kamara ang lahat ng tumulong sa nasabing fund drive at relief operations. (Daris Jose)

Other News
  • Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ

    IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.     Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan.     Ang kautusan […]

  • Ekonomiya ng Pinas mabagal na lumago sa first quarter, pumalo lang sa 8.2%

    PUMALO sa 8.2% sa unang tatlong buwan ng  2022 ang ekonomiya ng Pilipinas.     Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate.     Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa  downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real […]

  • Ads April 23, 2021