• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VOTER’S REGISTRATION, HINDI PALALAWIGIN

HINDI palalawigin ang voter registration  para sa darating na halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

 

 

Binigyan diin ni  Comelec Commissioner Rowena Guanzon  na  ang pagpapatala para sa May 9, 2022 elections ay hanggang Setyembre 30 na lamang at hindi na ito palawigin pa.

 

 

Paalala ng Comelec, maaaring magpatala ang mga botante sa MGCQ opisina ng Comelec mula Lunes hanggang Biyernes ng alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

 

 

Kailangan lamang dalhin ang kanilang identification card , ballpen at voter registration form.

 

 

Mahigpit ding ipapatupad ang safety protocols kabilang  ang pagsusuot ng facemask, face shield gayundin ang physical distancing .

 

 

Samantala, sinabi ni Guanzon na inaasahan na ng Comelec ang mababang voter turnout sa susunod na halalan  dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

 

 

Aniya ang nakaraang national average turnout ay halos 70 porsyento. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Chifuyu, Kazutora, and Baji are stand-out characters in “Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle

    A rich cast with exciting performances await fans in the finale of the two-part sequel: Tokyo Revengers: Bloody Halloween- Decisive Battle. Take a peek at some of the notable characters in this epic live-action adaptation. Mahiro Takasugi plays Chifuyu Matsuno, vice captain of Toman’s first division. He’s the right hand man of Baji, Toman’s division […]

  • Ads October 26, 2021

  • Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC

    INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon.     Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3.     “Kami ni AC, we’ve been together for eight years […]