• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec

Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.

 

 

Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon bukas ang Offices of the Election Officers (OEO); at kahit holiday daw ay tatanggap sila ng magpaparehistro.

 

 

“The new schedule will be implemented beginning February 15, 2021.”

 

 

Para matiyak na nasusunod ang health protocols, itinakda ng poll body sa pagitan ng Biyernes at Lunes ang designated disinfection day sa mga OEO.“During disinfection, all Comelec offices nationwide will be closed and there will be no transactions with the public,” sabi ni Jimenez.

 

 

Una nang umapela si Jimenez sa mga eligible voters na makilahok sa demokrasya sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pagboto.

 

 

Para sa mga magpaparehistro, pinayuhan ng Comelec na magpa-appointment muna sa irehistrocomelec.gov.ph at mag-fill up ng application form. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mayor Jeannie Sandoval naghain na ng kanyang COC

    PORMAL na naghain si incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ng kanyang certificate of candidacy (COC), Huwebes ng hapon sa ground floor ng Robinson Townmall, Brgy. Tinajeros para sa muli niyang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod sa darating na 2025 elections.     Sinalubong siya ng malakas na sigawan at tilian mula sa kanyang daan-daang […]

  • Kapuso couple Juancho Trivino and Joyce Pring sa bagong bahay na nila magpa-Pasko

    Nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino and Joyce Pring o mas kilala na Juanchoyce.   Tamang-tama lang daw ang paglipat nila dahil malapit na ang Pasko at baka nag-celebrate sila with their family sa new house.   “Simple lang. Actually, we haven’t planned yet pero gusto namin intimate […]

  • Mga Pinay baller tampok sa WNBL

    BIBIGYAN ng pansin ng Women’s National Basketball Leagueb (WNBL) sa unang taon ang pagpaparada sa mga purong Pinay basketbolista.   “Both NBL (National Basketball League) and WNBL are strictly for all Pilipino players because my point in putting up WNBL, I have always believed even during my pro league days that there’s a surplus of […]