• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Leni, bakunado na laban sa Covid-19

NABAKUNAHAN na noong Miyerkules si Vice President Leni Robredo gamit ang AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City.

 

Ito ang first dose ni VP Leni laban sa Covid -19.

 

Sa isang kalatas, sinabi ni VP Leni na natanggap niya ang kanyang unang bakuna kasama ang mga miyembro ng kanyang staff lalo pa’t lahat sila ay nasa ilalim ng A3 category o persons with comorbidities.

 

“Done with my first dose of the vaccine. Now being monitored,” ani VP Leni.

 

“Everything has been seamless,”dagdag na pahayag nito.

 

Nauna nang sinabi ni VP Leni na mayroon siyang hypertension.

 

Ang AstraZeneca ay mayroong efficacy rate na 70% matapos ang first dose base sa ebalwasyon ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).

 

Ang 70% rating ay tataas matapos na maibigay ang second dose makaraan ang apat hanggang 12 linggo.

 

Samantala, Mayo 3, 2021 naman nang magpabakuna si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine.

 

Sa video na inilabas sa Facebook page ni Senador Bong Go, makikita si Health Secretary Francisco Duque III na siyang nagturok ng bakuna sa pangulo.

 

Bago ito tinurukan ay kinumusta muna ni Duque ang Pangulo na sinagot naman nito na maayos ito.

 

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na matagal na niyang hinihintay na mabakunahan pero kinakailangan pa aniyang hintayin ang assessment ng kanyang doktor, na pinili ang Sinopharm vaccine. (Daris Jose)