VP Leni, kuwalipikado na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine- Sec. Roque
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL hindi pa naman senior citizen ay kuwalipikado si Vice President Leni Robredo na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batid naman ng lahat na nagpahayag ng kahandaan ang bise-presidente na makakuha ng COVID-19 vaccine.
Aniya pa, ang edad ni Robredo na 55 ay tama lamang sa “age range” kung saan para sa Food and Drug Administration (FDA) ay epektibo ang Sinovac.
Ang FDA, sa pag-apruba ng emergency use authorization para sa Sinovac ay nagpahayag na ang Chinese vaccine ay mayroong 65.3% hanggang 91.2% efficacy rate sa clinically healthy individuals na may edad na 18 hanggang 59 taong gulang.
Magkagayunpama ay hindi inirerekumenda ang Sinovac sa mga health workers dahil ang efficacy rate nito ay pumapalo lamang sa 50% sa nasabing grupo.
“Kung gusto niya, she is welcome to do so.Pasok na pasok siya. Hindi pa naman siya senior [citizen],” ayon kay he added.
Ang senior citizen ay may edad na 60 taong gulang pataas.
Sa ulat, muling iginiit ni Robredo ang kahandaang maunang magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod na rin ito ng hamon ni Senador Bong Go kay Robredo na sabayan ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapabakuna.
Sinabi ni Robredo na hindi na niya kailangang hamunin dahil noong isang buwan pa lamang ay nagvolunteer na siyang maunang magpabakuna kung makakatulong ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.
Subalit iginiit ni Robredo ang pagpapabakuna muna ng Pangulong Duterte na bilang lider ng bansa ay mas malaki ang hatak sa kumpyansa ng publiko.
-
Bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo
TUTUPARIN ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay worker na si Mary Anne Daynolo. Si Mary Anne Daynolo ay isang OFW na nawawala mula noong March 4, 2020 10:30 PM (Abu Dhabi time) sa kanyang pinagtatrabuhan sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu […]
-
PRC, vindicated vs kuwestyon sa kanilang COVID test results
Ikinagagalak ng Philippine Red Cross (PRC) ang findings ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing accurate ang COVID-19 RT-PCR swab tests. Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng isyu, matapos lumutang na may mga false positive cases na nasuri ang PRC laboratory sa Subic, Zambales. Ayon sa pangulo, […]
-
Ardina, Guce babalik-palo sa 16th SymetraTour 2021
KAPWA balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 sina Dottie Ardina at Clarissmon Guce sa paghampas sa 16th Symetra Tour 2021 fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa Abril 23-25. Galing lang ang edad 27, 5-2 ang taas, isinilang sa Canlubang, Laguna at pitong taong […]