• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Leni, nakipagkita na sa team ni Sara Duterte para sa transition talks

NAKIPAGKITA na si outgoing Vice President Leni Robredo sa mga kinatawan ni Vice President-elect Sara Duterte para sa transition talks.

 

 

Winelcome ni Robredo at binigyan ng tour ang transition team ni Duterte sa naging pagbisita ng mga ito sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City.

 

 

Sa naging pagpupulong, sinabi ni Robredo na handa siyang magbigay ng tulong at gabay upang matiyak ang smooth transition sa susunod na administrasyon.

 

 

Nito lamang Hunyo 1, nagsagawa ng Zoom meeting ang transition teams kung saan tinalakay ang overview ng organisasyon at primary reforms at mga proyekto sa ilalim ng termino ni Robredo.

 

 

Samantala, nakahanda na ang San Pedro Square sa Davao City para sa inagurasyon ni Vice president-elect Sara Duterte sa Hunyo 19.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Sara Duterte na nais niyang magtatag ng satellite offices sa iba’t ibang rehiyon upang dalhin ang serbisyo malapit sa mga tao. (Daris Jose)

Other News
  • Bulacan achieves Hall of Fame award for Local Revenue Generation

    CITY OF MALOLOS- The consistent and exemplary performance of the Province of Bulacan in local revenue collection under the administration of Governor Daniel R. Fernando has once again been recognized as the Department of Finance (DOF)-Bureau of Local Government Finance (BLGF) conferred to the province the Hall of Fame award for Local Revenue Generation during […]

  • Inter-agency council, binuo para tukuyin ang government lands na angkop para sa mass housing

    LUMIKHA ang national government ng isang Inter-agency Coordinating Council na mangangsiwa sa ‘accounting’ at paglikha ng master’s list ng government lands na maaaring gamitin para sa mass housing.     Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Jose Rizalino Acuzar na ang naturang hakbang ay bahagi ng intensyon ng pagpapalabas ng Administrative […]

  • Colorum na mga vans ginagamit sa “human trafficking”

    Iniibestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nahuling operasyon ng mga vans na ginagamit sa “human trafficking” mula at papunta sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble.     Ang mga nakasakay ng mga pasahero ay napagalaman na hindi sumailalim sa testing ng COVID 19. Ang nasabing operasyon ng mga colorum na vans […]