VP Leni Robredo, mga anak lumipad pa-New York
- Published on May 17, 2022
- by @peoplesbalita
LUMIPAD pa-New York City si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak upang dumalo sa graduation ng kanyang bunso na si Jillian at gugulin ang oras kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Aika, anak ni Robredo, ng video kasama ang kanyang ina at mga kapatid habang sakay ng eroplano.
Sa kabila ng naturang biyahe, tiniyak naman ng bise presidente na pangangasiwaan pa rin niya ang paghahanda para sa paglulunsad ng Angat Buhay program.
Ang Angat Buhay program ay isang non-government organization na binubuo ng mga volunteers na tumulong sa kanyang kampanya noong katatapos na eleksiyon.
Sinabi rin ni Robredo na ang Office of the Vice President ang siyang gumagawa ng paghahanda para sa official turnover ng kanyang tanggapan sa susunod na bise presidente ng bansa na si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.
Matatandaang si Robredo ay tumakbo sa pagka-pangulo sa katatapos na May 9 polls.
Bigo naman si Robredo na maluklok sa puwesto matapos na talunin ng kanyang mahigpit na katunggali na si presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..
Batay sa partial unofficial tally ng mga boto sa pagkapangulo hanggang noong Mayo 13 mula sa datos ng Comelec Transparency Media Server, nakakuha lamang si Robredo ng 14,822,051 boto kumpara sa 31,104,175 boto ni Marcos. (Daris Jose)
-
PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado
MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan. “Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, […]
-
P6.8M halaga ng shabu nasamsam ng NPD
UMAABOT sa 6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng Northern Police District (NPD) sa isang umano’y big-time drug pusher na kanilang naaresto sa isinagawang follow-up buy-bust opera- tion sa Taguig City. Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, […]
-
Sindikato ng namemeke ng endorsement, binalaan ng BI
BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) na binabantaayan nila ang mga sindikato ng mga namemeke ng endorsement ng Bureau of Foreign Affairs (DFA). Ang babala ay nag-ugat matapos na nakatanggap sila ng intelligent report na isang sindikato ay nagpaplano na gumamit ng pekeng DFA endorsement upang makapasok ang mga ito sa bansa na hindi […]