• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19

Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.

 

 

“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive [for COVID-19],” pahayag ni Robredo.

 

 

Anya, halos araw-araw ay kasama niya ang kanyang close-in security kahit sa loob ng sasakyan, sa elevator at sa opisina.

 

 

Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.

 

 

Matatandaan na no­ong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Una nang naglunsad ang tanggapan ni Robredo ng mobile Swab Cab na nagkakaloob ng libreng antigen COVID tests sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus. (Daris Jose)

Other News
  • P23.96M pinsala ng M6.6 lindol sa Masbate – DPWH

    Tinatayang aabot sa P23.96 milyon ang pinsala sa imprastraktura na dulot ng magnitude 6.6 lindol sa Masbate, batay sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   Kasama sa napinsala ang ilang mga daan na P5.64 milyon; P8.96 milyon sa tulay; at P9.35 naman sa pampublikong gusali.   Nakita ang mga pinsala sa kalsada sa […]

  • Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

    NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).     Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.     Ni-renew kasi […]

  • OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan

    MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan  ng ulan sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 […]