VP Sara dedma uli sa NBI probe
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
SA IKALAWANG pagkakataon, hindi na naman sisiputin ngayong araw ni Vice President Sara Duterte ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y ginawa niyang pagbabanta laban sa buhay ni Pang. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr..
Sa isang media interview, sinabi ni VP Sara na mayroon silang thanksgiving activities ngayong Miyerkules at kailangan umano niyang umuwi ng Davao City para dumalo sa libing ng kanyang yumaong tiyuhin.
Ayon kay VP Sara, sinabi rin sa kanya ng kanyang mga abogado na maaari naman niyang hindi puntahan ang pagdinig at sa halip ay magsumite na lamang ng sulat, affidavit o di kaya ay position paper, depende sa kanyang magiging desisyon.
Samantala, hinikayat naman ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez si VP Sara na dumalo sa imbestigasyon ng NBI.
“Well, that’s part of the legal process. If they believe that she’s better off not attending, that’s their lookout. That’s a matter that would be left to the discretion of their defense team, but it would be best if she would present herself because that’s part of the process,” ayon pa kay Vasquez, sa isang ambush interview sa Pasay City.
Matatandaang Nobyembre 29 pa sana dapat na dumalo sa NBI probe si VP Sara upang magbigay ng paliwanag hinggil sa kanyang pahayag sa isang online press conference, na may kinausap na siyang tao upang patayin si PBBM, gayundin ang kanyang may bahay na si First Lady Liza Araneta Marcos, at pinsang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sakaling may pumatay sa kanya.
Gayunman, hiniling nitong ipagpaliban ng NBI ang pagdinig, sanhi upang mai-reset ito ngayong Miyerkules. (Daris Jose)
-
NASITA SA FACE MASK, OBRERO KALABOSO SA BARIL AT SHABU
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 48-anyos na construction worker matapos mabisto ang baril at shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 3 Commander PMAJ Tessie Lleva ang naarestong suspek na si Eric Lian, ng 171 A. Fernando […]
-
Mga consumers, hinimok ng pamahalaan na mamili sa mga malalaking mga supermarkets at groceries
PARA makatipid at matiyak na tugma ang SRP sa item na bibilhin ng mga consumers, pinayuhan ni Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan upang kahit paano’y makamenos sa mga panahong ito. Ani Castelo, hindi lang compliant kundi mas mababa pa […]
-
Malaki ang naitulong sa kanyang showbiz career: PIOLO, nagbigay ng pasasalamat at papuri kay DEO ENDRINAL
NAGBIGAY na rin ng kanyang pasasalamat at pamamaalam ang award-winning actor na si Piolo Pascual sa pumanaw na Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal. Si Deo raw ang nagturo sa kanya na maging humble and patient sa kanyang trabaho. “That is one thing sinasabi niya, you have to remain grounded, […]