• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte, magsisilbing ‘game changer’ kontra communist terrorist group – NTF-ELCAC

KUMPIYANSA ang National Task Force to end local communist and armed conflict na magsisilbing ‘game changer’ si Vice President Sara Duterte para sa magiging transition ng kanilang stratehiya sa paglaban kontra sa communist terrorist group sa Pilipinas.

 

 

Ito ay matapos na italaga ang Bise Presidente bilang Co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC na malaki aniya ang magiging papel sa pagtupad sa kanilang mandatong labanan ang mga komunistang teroristang grupo sa bansa.

 

 

Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, inaasahang isa sa mga mahahalagang papel ni VP Duterte ay ang pagbibigay ng guidance sa mga ahensyang nasa ilalim ng NTF-ELCAC mula sa kaniyang mga naging karanasan bilang alkalde noon ng Davao City na isa sa mga insurgency free places ngayon sa Pilipinas.

 

 

Bukod dito ay muli ring binigyang-diin din ng opisyal na malaking bagay din ang maitutulong ng pagiging kalihim ni Duterte bilang kalihim ng kagawaran ng edukasyon para mapalakas ang proteksyon at seguridad sa mga paaralan sa bansa upang mapigilan na ang ginagawang recruitment activities ng mga miyembro ng New Peoples Army sa mga eskwelahan.

 

 

Kung maaalala, una nang inanunsyo ng NTF-ELCAC na magpapalit sila ng estratehiya mula sa dating warriors of peace tungo sa pagiging bringers of peace, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mas mapayapa at nagkakaisang pagtugon sa communist terrorist groups sa bansa.

 

 

Dahil dito ay mas paiigtingin pa ng naturang task force ang kanilang barangay development program at retooled community support program sa tulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan sa bansa para sa mga dating rebelde na magbabalik loob muli sa gobyerno. (Daris Jose)

Other News
  • 10 drug personalities natimbog sa Caloocan

    Sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang apat na babae ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug opereation sa Caloocan City.     Sa report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation […]

  • Emosyonal sa pagtatapos ng termino bilang Congressman: ALFRED, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC bilang isang Councilor

    TULOY-TULOY lang ang pagsi-serve ng actor-public servant na si Alfred Vargas kahit tapos na ang termino niya bilang Congressman ng QC.   Pinost ni Alfred ang kanyang panunumpa sa bagong posiston bilang Konsehal.     Caption niya, “Public service is a call we’d gladly and honorably answer any time.     “Tuloy tayo sa paglilingkod […]

  • Pinas, mas pinili ang mapayapang resolusyon sa alitan sa SCS -PBBM

    NANANATILI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang posisyon na plantsahin sa pamamagitan ng mapayapang resolusyon ang territorial dispute sa South China Sea (SCS) kasama ang China at Iba pang claimants.     Sinabi ni Pangulong Marcos kina Vietnamese President Vo Van Thuong at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa magkahiwalay na pakikipagpulong […]