VP Sara, game na sumailalim sa ‘televised ‘neuropsych exam
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
GAME si Vice President Sara Duterte na sumailalim sa neuropsychiatric exam sa lalong madaling panahon kahit pa ito ay gagawin ng televised.
“Wala akong problema doon. Game tayo. I will call that—neuropsychiatric exam,” ang sinabi ni VP Sara sa isang ambush interview.
Handa si VP Sara na sumailalim sa neuropsychiatric exam at drug test, subalit hinamon ang lahat ng mga congressional candidate na gawin din ang gagawin niya.
“As a voter I demand, magpa-drug test sila. Kayong lahat mga kababayan, you demand na mag-drug test ang mga congressional candidate dahil kung unstable ako, sa paningin ko, unstable rin sila,” ang pahayag ni VP Sara.
Nauna rito, sinabi ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos na sana raw ay magkaroon ng “peace of mind” at “mental clarity” si VP Sara matapos ang mga naging patutsada nito laban sa kaniyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang pahayag nitong Martes, Oktubre 22, kinondena ni Sandro ang mga patutsada ni VP Sara sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 18, partikular na ang tungkol sa sinabi ng bise presidente na ginusto niyang pugutan ng ulo si PBBM at nagbanta umanong itapon ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).
“I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one. Besides, her bizarre temper tantrum has been condemned by a nation horrified from such displays of insensitivity towards the dead and cruelty to the living,” giit ng kongresista.
Sa nasabing pahayag ay hiniling din ni Sandro ang kaayusan ni VP Sara dahil ang katagumpayan daw nito ay tagumpay rin ng buong bansa.
“Let this be an opportune time to remind ourselves that we mustn’t take our mental health for granted and that above all else I sincerely hope she is okay. As such, I still wish the Vice President well,” ani Sandro.
“Ultimately, her success, like the President’s, will be the success of our nation as a whole. May she find the peace of mind and mental clarity that seems to be eluding her,” saad pa niya.
Matatandaang naging magkakampi sina PBBM at VP Sara noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.
Ngunit muling naging usap-usapan kamakailan ang pagkabuwag ng tandem ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa matapos humingi ng tawad ni Duterte dahil dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo ng bansa.
Kaugnay nito, sa naturang press conference noong Oktubre 18 ay iginiit ni VP Sara na hindi umano marunong maging presidente si Marcos, at mayroon daw siyang listahan ng limang “impeachable offenses” nito. (Daris Jose)
-
BEAUTY, unang makatatambal si KELVIN sa isang mini-series bilang Kapuso
SI Kapuso young actor Kelvin Miranda pala ang unang makatatambal ng bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, na pumirma na ng contract sa GMA Network last Friday, June 11. Isang romance mini-series ang gagawin nila, titled Stories from the Heart na ididirek ni Adolf Alix Jr. Si Kelvin ay lubos […]
-
Ando pasok sa Olympics
Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto […]
-
Quezon City tinanghal na Most Competitive LGU
SA IKATLONG pagkakataon, itinanghal ang Quezon City government na ‘Most Competitive Local Government Unit’ sa ilalim ng Highly Urbanized Cities category ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI). Taong 2020 nang maging Hall of Famer ang lungsod sa naturang parangal. Nabatid na anim na parangal ang hinakot ng Quezon City government […]