VP Sara, inalala na binalaan si Sen. Imee: Personal na huhukayin ang labi ni Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Vice President Sara Duterte na minsan na niyang binalaan ni Sen. Imee Marcos na personal nitong huhukayin ang labi ng ama ng senadora na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at itatapon ito sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi titigil ang mga ito sa sinasabing political attacks.
Matatandaang, pinayagan ng ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ang paglibing sa namayapang diktador Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, isang desisyon na nagpasiklab ng protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Isang beses sinabihan ko talaga si Sen. Imee, sabi ko pag di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay nyo, itatapon ko sya sa West Philippine Sea. One of these days pupunta ako don, kukunin ko yang katawan ng tatay nyo, tapon ko yan don sa West Philippine Sea,” ang sinabi ni VP Sara.
“I don’t think sumagot sya. Nandon pa yon sa group chat, merong mga nakakita na ibang tao,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, inakusahan naman ni VP Sara ang administrasyong Marcos na pilit siyang ginagawang pulutan sa “PR attack,” tinukoy ang House probe sa di umano’y maling paggamit ng pondo.
Sinabi ni VP Sara na dapat nang tigilan ni Pangulong Marcos ang paggamit sa kanyang pangalan.
“Pwede ba ‘pag nakita niyo siya (Marcos), sabihin niyo sa kanya, ‘Alam mo, don’t ever mention her name’… Pwede naman siguro tumahimik na lang,” ani VP Sara.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga Marcoses sa bagay na ito. (Daris Jose)
-
Pagbabalik ni Anthony Davis, ‘timing’ daw sa ‘final push’ sa Lakers campaign
Tiniyak ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis na 100 percent na siyang handa sa kanyang pagbabalik matapos ang dalawang buwan na pagpapagaling sa kanyang injury. Inaasahang sasabak na si Davis bukas sa pagharap nila laban sa Dallas Mavericks. Kung maaalala mula pa noong Pebrero 14 ay […]
-
DOH sa publiko: Huwag magpapabakuna sa mga ‘illegal vaccination sites’
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kasunod ng mga ulat na may ilang grupo ang nagsasagawa ng hindi otorisadong pagbabakuna laban sa COVID-19, sa mga hindi rin opisyal na vaccination site. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, delikadong magpabakuna sa mga hindi opisyal na vaccination site dahil walang katiyakan na […]
-
Ads December 16, 2022