• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara nagpatutsada: Don’t be ‘tambaloslos’

MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’

 

 

“Sa imong ambisyon (sa iyong ambisyon), do not be tambaloslos,” ani Duterte, bilang caption ng kanyang self-portrait photo na ipinaskil sa kanyang verified Instagram account.

 

 

Hindi pa naman malinaw kung ano o para kanino ang naturang post ng bise presidente, ngunit inilabas niya ito, sa gitna nang kaguluhang nagaganap sa House of Representatives.

 

 

Ang ‘tambaloslos’ ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang “halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari.”

 

 

Ito rin ang Visayan o Cebuano slang para sa isang tao na puro daldal lamang, walang kakayahan o hangal, at kadalasang ginagamit bilang isang insulto laban sa isang lalaki.

 

 

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin naglala­bas ang kampo ng bise presidente ng paglilinaw kung may partikular na tao ba siyang tinutukoy sa kanyang IG post.

 

 

Matatandaang kamakailan ay nagbitiw si VP Sara mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

 

 

Ang pagbibitiw ni Sara ay matapos ma-demote si Pampanga 2nd district Rep. at Lakas-CMD Chairperson Emeritus Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. (Daris Jose)

Other News
  • Pares vendor na hinoldap at binaril sa Maynila, pumanaw na

    Binawian na ng buhay ang pares mami vendor matapos sumailalim sa major operation sa Philippine General Hospital (PGH) kamakalawa ng gabi, Pebrero 25.   Ayon sa bunsong kapatid ng biktimang si Samson Bautista, na si Sidney Bautista Mercado, alas 9:21pm nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid.   Pahayag pa ng kapatid, natanggal naman umano […]

  • Gobyerno, may ginagawa nang paghahanda para matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant

    TINIYAK ng Malakanyang na may ginagawa nang paghahanda ang pamahalaan para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang napaulat na bagong variant ng COVID-19 na Lambda variant na una ng natukoy sa Peru.   “Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan […]

  • VP Sara, nagbitiw sa posisyon sa DepEd, NTF-ELCAC

    NAGBITIW na si Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng  Department of Education at vice chairperson ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ayon kay   Presidential Communications Office (PCO)  Secretary Cheloy Garafil, tinanggap naman ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni VP Sara, epektibo ngayong araw, Hulyo 19. […]