• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara nilapastangan si ex-Pres. Marcos Sr. para mailihis atensyon ng publiko sa kuwestiyunableng paggamit nito ng daang milyong pondo

NILAPASTANGAN ni Vice President Sara Duterte ang yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang mailinis ang atensyon ng publiko sa kinukuwestyong paggamit nito ng daang milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

 

Ito ang sinabi ng isang miyembro ng Young Guns bloc sa Kamara de Representantes bilang tugon sinabi ni Duterte na “Kung ‘di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea.”

 

 

Ang pagbabanta ay nakatuon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at sa kaniyang pamilya.

 

Sa isang press conference noong Biyernes, sinabi ni Duterte na sinabihan nito si Sen. Imee Marcos na kanyang itatapon ang labi ngyumanong Pangulo sa West Philippine Sea sa isang group chat.

 

 

Nagawa itong sabihin ni Duterte kay Sen. Marcos kahit na ilang beses niyang sinabi na sila ay magkaibigan at sa kabila ng pagtatanggol ng senador sa Ikalawang Pangulo.

 

 

“Using and disrespecting the dead runs counter to our culture. For us Filipinos, that is a no-no,” ani House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Pammy Zamora.

 

 

Sa halip na gumamit ng ganitong taktika, hinimok ni Zamora si Duterte na harapin na lamang ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng kinukuwestyong paggamit ng confidential funds at pondo ng DepEd noong siya pa ang kalihim nito. (Vina de Guzman)

Other News
  • Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia

    IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.     Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]

  • Itinangging ‘alaga’ ng former presidential spokesperson: RONNIE, natawa lang sa viral video kasama si HARRY ROQUE

    NAG-VIRAL ang video ng male balladeer at Army Reservist na si Ronnie Liang na kung saan makikita silang magkasama sa tabing-dagat ni Former Presidential Spokesperson Harry Roque.   Kaya may paglilinaw si Ronnie sa naturang viral video.   Pagkukuwento niya, “As far as I remember July 2022 yung video na napapanood niyo sa social media […]

  • Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga  warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba […]