• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, sinabing darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika

INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika.

 

Tugon ito ng Bise Presidente nang matanong kaugnay sa payo sa kaniya ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa pulitika at mamuhay na lamang ng mapayapang buhay.

 

Napatawa naman ang Bise Presidente dahil aniya sinabihan siya ng dating Pangulo noon na tumakbo ng tumakbo sa pagka-alkalde at bise-alkalde ng Davao city.

 

Subalit, maging siya mismo ay nais din niya na umalis sa pulitika subalit kailangan niyang sagutin ang 32.2 milyong Pilipino na nagtiwala at nagbigay ng kumpiyansa sa kaniya para maging Ikalawang Pangulo ng bansa.

 

Ginawa ng Bise Presidente ang naturang pahayag sa gitna ng mga kontrobersiyang ipinupukol sa kaniya kaugnay sa paggastos ng pondo ng Office of the Vice President at noong kalihim pa siya ng Department of Education na tinawag naman ng Bise Presidente na politically motivated. Gayundin ang ginagawang congressional inquiry bilang isang test case aniya para sa impeachment laban sa kanya.

 

Subalit nanindigan si VP Sara na walang misuse sa mga pondo ng kanyang tanggapan. (Daris Jose)

Other News
  • Valenzuela City at Tanauan City, lumagda sa Sisterhood Agreement

    UPANG higit pang palawigin at patatagin ang alyansa sa pagitan ng Valenzuela City at Tanauan City, pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Mayor Nelson Collantes ang paglagda sa sisterhood agreement na ginanap sa Tanauan City Hall.     Sa bisa ng Resolution No. 2610, Series of 2023, na ipinasa ng Valenzuela City Council at Resolution […]

  • 2 sa 3 holdper na bumiktima at sumaksak sa mister, timbog

    SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.     Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis […]

  • Tolentino aakyat ng entablado

    GAGAWARAN si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng Executive of the Year San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa paggabay sa bansa na makamit ang kaauna-unahang gold medal sa Summer Olympic Games.     Isa siya sa 33 personalidad na may pagkilala sa Marso 14 na gala night sa […]