• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, wala pang kapalit bilang Kalihim ng DepEd-Garafil

WALA pa ring napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa tungkulin bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

 

 

Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil na wala pang maitalaga si Pangulong Marcos na tatayong officer-in-charge (OIC) na hahalili sa posisyon ni VP Sara sa oras na ang 30-day notice ay mapaso’ sa Hulyo 19.

 

 

Sa ngayon, patuloy naman na aakto si VP Sara bilang pinuno ng DepEd.

 

 

“Sa July 19 pa effectivity ng resignation niya; wala pa OIC,” ayon kay Garafil.

 

 

Napaulat na dumating si VP Sara sa Malakanyang, araw ng Miyerkules para personal na makapulong si Pangulong Marcos at iabot ang resignation letter na tinanggap naman ng huli.

 

 

Hindi naman nagbigay ng kahit na anumang dahilan si VP Sara sa pagbibitiw niya sa kanyang Cabinet posts.

 

 

Samantala, sinabi ni VP Sara na ang kanyang pagbibitiw bilang Kalihim ng DepEd ay hindi dahil sa “kahinaan.”

 

 

“Ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan kundi dala ng tunay na malasakit para sa ating mga guro at kabataang Pilipino,” aniya pa rin.

 

 

Bukod sa pagiging Kalihim ng DepEd, nagbitiw din si VP Sara bilang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) . (Daris Jose)

Other News
  • Ads May 25, 2021

  • Japanese tennis star Kei Nishikori, umatras sa pagsali sa US Open

    Desidido pa rin si Japanese tennis star Kei Nishikori na hindi sumali sa US Open ngayong taon. Ito ay kahit nagnegatibo na sa COVID-19. Ayon sa 2014 U.S. Open runner-up, labis ang kasiyahan nito ngayon dahil matapos ang dalawang positive results ng kaniyang test ay lumabas sa pangatlong pagkakataon ng COVID-19 test na negatibo na […]

  • PBBM: Trabaho sa lahat ng Pinoy, pangarap ko

    PANGARAP umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng trabaho ang lahat ng mga Filipino para hindi na sila mapilitang mag-abroad para lamang makapaghanapbuhay.     Sa pagharap ni PBBM sa Filipino Community sa Brussels, Belgium sinabi nito na kaya nagsisikap ang kanyang administrasyon na manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para mas maraming trabaho […]