• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag ibenta, ‘wag paupahan – NHA

BINALAAN ng National Housing Authority (NHA) ang mga housing beneficiaries na huwag ibenta o paupahan ang pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, maaaring malagay sa blacklist o makansela ang ibinigay na pabahay kapag ibinenta o pi­naupahan.

 

 

“Those who are selling or renting out their right, you can’t repeat benefitting anymore. To our beneficiaries, I hope you will take good care of the housing units you received from the go­vernment,” pahayag ni Tai.

 

 

Payo ni Tai sa publiko, direktang makipag-ugnayan sa NHA kung nais na makakuha ng murang pabahay.

 

 

Ayon kay Tai, panahon pa ni dating NHA general manager Marcelino Escalada Jr. noong 2021 nang maglabas ng cance­llation order sa mga benepisyaryo na nagbebenta o nagpapaupa ng pabahay.

 

 

Una nang nabuking ang modus na nagbabayad ang benepisyaryo ng pabahay ng P250 hanggang P500 kada buwan at pinauupahan ito sa iba sa  halagang mula P3,000 hanggang P4,000 kada buwan.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 17, 2021

  • Ads July 1, 2022

  • PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga maliliit o sanggol pa nilang anak.   Layon nito na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng pertussis, polio, at tigdas.   Sa isang vlog, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng ‘affordable at […]