• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag ka na matakot! Casimero kay Donaire…

Ayaw tantanan ni reig­ning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero si World Boxing Council (WBC) bantamweight king Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr.

 

 

Sinabi ni Casimero na natatakot lamang si Donaire sa kanya kaya’t ayaw nitong kumasa sa hamon para sa isang unification fight.

 

 

“Takot lang siya sa akin. Donaire huwag ka nang matakot, labanan mo na ako,” ani Casimero.

 

 

Nilinaw ni Casimero na hindi naman ang Pilipinas ang pinag-uusapan sa laban kundi ang mga belts na hawak nila pareho.

 

 

Kaya’t walang magiging problema kung maging all-Filipino fight man ang laban.

 

 

“Marami kasi nagsasabi na hindi maganda na parehong Pilipino ang maglalaban. Pero hindi naman Pilipinas pinag-uusapan dito kundi belt,” ani Casimero.

 

 

Wala pang sagot ang kampo ni Donaire sa ha­mon ni Casimero.

 

 

Nakatakda sanang maghaharap sina Casimero at Donaire sa isang unification bout.

 

 

Subalit hindi ito natuloy matapos mag-withdraw si Donaire sa laban.

 

 

Ilan sa mga naging dahilan ni Donaire ang umano’y pambabastos ng kampo ni Casimero sa kanyang asawa na si Rachel.

 

 

Naging dahilan din ang doping subalit nakakuha na si Casimero ng clea­rance mula sa Voluntary Anti-Doping Association (VADA).

 

 

Sariwa pa si Casimero sa split decision win kontra kay Cuban fighter Guil­lermo Rigondeaux noong Linggo sa Carson, California.

Other News
  • Anak ng mag-asawang mambabatas, nag file na ng COC sa Malabon

    SASABAK na rin sa larangan ng pulitika upang makapaglingkod sa mga Malabonians ang anak nina Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel at An-Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel na si District 1 Councilor Regino Federico “Nino” Noel, 28.     Kasama ang buong pamilya, pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa local Commission on Elections […]

  • Ads June 3, 2024

  • PATAFA pres. Juico umalma sa pagdeklara sa kaniya ng POC bilang persona non-grata

    BINATIKOS ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico ang pagdeklara sa kaniya ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang persona non-grata dahil sa alitan nila ni pole vaulter EJ Obiena.     Sinabi ni Juico na walang anumang due process na ginawa ang POC at basta na lamang siya idineklara bilang […]