Wage hike sa 14 rehiyon ipatutupad ngayong Hunyo — DOLE
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang tatanggap na ng “wage increase” bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello kahapon, ang wage orders na inisyu ng 14 Regional Tripartite Wages and Productivity (RTWPBs) ay epektibo na ngayong Hunyo.
Sinabi ni Bello na ang inaprubahan ang dagdag-sahod ng RTWPBs na nasa P30-P110 na magbebenepisyo sa milyun-milyong manggagawa sa buong bansa. Pinuri niya ang RTWPBs sa aksyong ginawa para sa mga wage petitions.
Aniya, unang tatanggap ng salary adjustment ay ang mga manggagawa mula sa National Capital Region (NCR) alinsunod sa inaprub na wage hike order na P33 na magsisimula sa Hunyo 14. Ang minimum wage rate sa NCR ay magiging P570 na para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at P533 sa agriculture sector.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR), P50-P60 ang pay hikes simula sa Hunyo 14 kaya magiging P380 ang minimum wage dito at tataas pa ng hanggang P400 sa Enero 1, 2023. Ang kasambahay ay magiging P4,500 na rin ang suweldo sa buong rehiyon.
Sa Ilocos Region, ang bagong minimum wage rate ay mula P372 hanggang P400. Ang P60-P90 pay hike ay ipatutupad sa dalawa hanggang tatlong tranches, simula bukas, Hunyo 6. Ang minimum wage sa domestic workers ay umakyat din sa P5,000.
Sa Hunyo 8, ang bagong minimum wage na P400-P420 ay ipatutupad sa Cagayan Valley at ang kasambahay dito ay may P1,000 wage hike kaya magiging P5,000 na ang kanilang buwang suweldo.
Sa Central Luzon, inaprub ang P40-wage hike sa mga workers na ibibigay sa dalawang tranches sa magkakaibang sektor. Dito, ang new minimum wage ay magiging P414-P460 sa rehiyon habang sa Aurora province ay P344-P409.
Sa Calabarzon, ang new minimum wage ay P390-P470 sa non-agriculture sector; P350-P429 sa agriculture sector; at P350 sa retail and service establishments na may hindi hihigit sa 10 empleyado.
Tatanggap din ng P35 pay hike ang MIMAROPA workers simula Hunyo 10 kaya magiging P329 na ang bagong minimum wage sa mga negosyo o establisimyento na may mababa sa 10 workers at P355 sa may 10 o higit pang manggagawa. Ang monthly wage rate ng domestic workers ay magiging P4,500.
Sa Bicol, ang bagong suweldo ay P365 sa lahat ng sector matapos ma-aprub ang P55-pay hike na ibibigay sa 2 tranches simula Hunyo 18 at sa Disyembre 1. Ang Kasambahay ay tatanggap ng P1,000-P1,500 wage hike kaya magiging P4,000 na ang buwanang sahod.
Tatanggap naman ng bagong suweldo na P410-P450 ang mga manggagawa ng private sector sa Western Visayas habang ang monthly pay ng domestic workers ay magiging P4,500 simula kahapon.
Sa Central Visayas, ang bagong minimum wage ay P382-P435, P500 pay hike sa Kasambahay kaya magiging P5,500 ang kanilang buwanang suweldo sa chartered cities at first class municipalities habang P4,500 sa mga mumicipalities na epektibo na sa Hunyo 14.
Sa Northern Mindanao, ang minimum wage ay magiging 378-P405 na ibibigay sa 2-tranches. Unang tranche ay P25 na epektibo sa Hunyo 18 habang and 2nd tranche na P15-P22 ay sa Disyembre 16. Ang mga kasambahay ay tatanggap ng P4,500 sa cities at first class municiplaities habang P3,500 sa mga munisipalidad.
Samantala sa Davao Region, nasa P47 ang pay hike na ibibigay sa 2-3 tranches simula sa Hunyo 19. Magiging P438 ang arawang suweldo sa agriculture sector, P443 sa non-agriculture at P443 sa retail/service establishments na may hindi hihigit sa 10 empleyado. Magiging P4,500 ang suweldo ng Davao region.
Sa SOCCSKSARGEN, P32-wage increase ang ipatutupad sa 2 tranches, sa Hunyo 9 at sa Sept. 1. Papatak ang minimum wage rate sa rehiyon ng P368 para sa non-agriculture sector at P347 sa agriculture/service/retail establishments.
Sa Caraga, epektibo ang daily minimum wage rate na P350 sa Butuan City ngayong araw at sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur; habang ang umento sa Dinagat Islands at Surigao del Norte, kabilang ang Siargao Islands ay ibibigay sa 2-tranches, isa sa Hunyo 6 at ika-2 sa Septyembre 1. (Daris Jose)
-
Valdez injury will not require surgery
Nakatanggap ng malaking ginhawa ang Creamline isang araw matapos masungkit ang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference bronze medal dahil hindi na mangangailangan ng operasyon ang injury ni Alyssa Valdez, inihayag ng team sa mga social media account nito noong Miyerkules. Nasugatan ni Valdez ang kanyang kanang tuhod sa ikatlong set ng bronze-clinching […]
-
Tsina, walang karapatan na magpatupad ng ‘fishing regulations’ sa WPS —NSC exec
SINABI ng National Security Council (NSC) na malayang magagawa ng mga mangingisda sa Palawan ang kanilang fishing activities sa West Philippine Sea (WPS) dahil walang karapatan ang Tsina na magpatupad ng kahit na anumang regulasyon sa pinagtatalunang katubigan. Sinabi ni NSC assistant director general Jonathan Malaya na nakipagpulong ang ahensiya sa 170 […]
-
Bulacan, isinusulong ang mas pinalakas na mga kooperatiba, inilunsad ang GO KOOP Dashboard
TUNAY na isinasabuhay ng Lalawigan ng Bulacan ang reputasyon nito bilang “Cooperative Capital of the Philippines” sa paglulunsad ng kanilang makabagong GO KOOP Dashboard na pinasinayaan noong Oktubre 5 sa Victory Coliseum sa San Rafael, Bulacan sa ginanap na Kick -Off Ceremony at Motorcade para sa pagdiriwang ng 2024 Cooperative Month. Sa temang, “Empowering […]