Wagi ng dalawang special awards: JILLIAN, apat ang naging escort sa ‘GMA Gala 2023’
- Published on July 26, 2023
- by @peoplesbalita
ANG bongga naman ni Kapuso Teen actress Jillian Ward, nang mag-attend siya ng GMA Gala 2023 sa Marriot Hotel last Saturday, July 22.
Sa halip kasing isa lamang ang escort niya, isinama niya lahat ang mga boys na kasama niya sa GMA Afteernoon drama series nilang “Abot-Kamay na Pangarap,” sina Ken Chan, mga Sparkle stars na sina Jeff Moses, Michael Sager at Raheel Bhyria.
Sa IG caption ni Jillian: “Choose your fighter, #AbotKamayNaPangarap boys with Dra. Analyn at the #GMAGala2023!”
Tama nga naman, para hindi na magkapaproblema si Jillian kung sino ba sa apat ang dapat na maging partner sa gabing iyon.
Sa afternoon drama series kasi, away-away sila. Si Jeff kasi ay janitor sa hospital, na matagal nang nagpaparamdam kay Analyn pero best friend lang ang turing niya rito.
Si Michael ay pasyente ni Analyn na na-in love sa kanya at si Raheel naman ay siya ang tumulong kay Analyn nang pumunta ito sa Amerika at na-in love din kay Analyn.
Si Ken ay malapit lamang kay Analyn dahil pareho silang neurosurgeon, pero malalaman din na magpinsan sila sa story dahil anak sila ng magkapatid na Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) at Giselle (Dina Bonnevie).
Ang top-rating series ay napapanood Monday to Saturday at 2:30 pm, after “Eat Bulaga” sa GMA-7.
Meanwhile, sa GMA Gala 2023 pa rin, Jillian wore a shimmery silver gown by Mak Tumang. She also won two awards from the event – as Premier Star of the Night and Sparkling Smile of the Night.
***
SALAMAT at masipag mag-IG post sina Direk Mark Reyes at Kapuso actor Gabby Eigenmann ng mga happenings sa San Diego Comic Con 2033 na ginanap naman sa Marriott Marquis, San Diego Marina, in California last July 22 and 23, 2023, dala nila roon ang “Voltes V: Legacy.”
IG post ni Direk Mark: “It’s been on my bucket list to make it to San Diego Con. Little did I know that that dream will come true this 2023. What’s more is that I am not just attending as a casual convention goer but an official panelist to represent the first South East Asian Live Action series for #voltesvlegacy!
Pinost din ni Direk Mark kung gaano karami ang mga nag-attend ng Comic Con 2023 at sina Gabby, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega came in their costume na sadyang dinala nila sa pag-attend ng convention.
Several attendees even took pictures with the cast and talked with them. Caption naman ni Gabby: “Full house here at the VVL panel in SDCC… was not able to contain my emotions. Felt so proud.”
May mga na-meet din silang mga Pinoy na matagal nang nakatira roon at natuwang nakipag-bonding sa kanila during the convention.
***
SA isa pang IG post ni Direk Mark: “Officially revealed at San Diego ComiCon 2023 ang the first concept art for “Sang’gre, Encantadia Chronicles 2024.” Mukhang tuloy na tuloy na ang isa pang episode ng “Encantadia” na sabi ay magtatampok sa lahat ng mga gumanap na Sang’gre sa fantasy series like Marian Rivera, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, Sunshine Dizon, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez.
Dito na ba makakasama ng mga unang Sang’gre ang young actress na si Bianca Umali?
Hindi kaya sa susunod na Comic Con ay ang “Sang’gre, Encantadia Chronicles 2024” naman ang maiimbitahan nila?
(NORA V. CALDERON)
-
NLEX, TNT ikakasa ang semis series
BITBIT ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, isang panalo lang ang kailangan ng No. 2 NLEX at No. 3 TNT Tropang Giga para maitakda ang kanilang best-of-five semifinals series sa PBA Governors’ Cup. Sasagupain ng Road Warriors ang No. 7 Alaska Aces ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng Tropang Giga at No. […]
-
4 patay, 5 sugatan sa salpukan ng bus vs van
APAT ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng isang van-for-hire at ng isang bus sa Barangay Estaca, sa bayan na ito kahapon (Biyernes) ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Police Station, galing Daan bantayan ang van at papunta na sanang Cebu City ng mabangga nito ang bus na papuntang Northern […]
-
Mababang bilang ng pasahero, inaasahan hanggang katapusan ng taon
INAASAHAN ng Bureau of immigration (BI) ang mababang bilang ng mga padating na pasahero haggang sa katapusan ng taon. Sa datos ng BI, umabot lamang sa kabuuang 3.5 milyon na pasahero ang dumating mula January to September kumpara sa 13 milion sa kaparehas na taon. “If you look at the figures, it starts […]