WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020.
Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya.
“Next year na ulit ‘yung D- League natin,” namutawi kay Marcial. “Mahirap para sa atin kasi karamihan ng players, amateurs eh.”
Batay sa patakaran ng Inter- Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease , pro- fessional pa lang pinapayagang makabalik, isa na ang PBA.
“Majority ng kasali this conference ay collegiate teams at hindi pa sila pinapayagan ng gobyerno na makabalik kahit sa practice o scrimmage,” panapos na sambit ng opisyal. (REC)
-
BATAS SA GAME FIXING, INIHAIN SA KAMARA
MALALIM na usapin ang game-fixing, ngunit walang pangil ang batas para maabatan ang isyu. Nagkakaisa ang Mababang Kapulungan na napapanahon na para mapagtibay ang batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga opisyal, coach, player at sinumang sangkot sa game-fixing. Ito ang nilalaman ng dalawang bill sa Kongreso na sisimulang talakayin sa House Committee on […]
-
ROCCO, umamin na si MAX ang pinakamasarap na nakahalikan sa teleserye
SA December na raw magkikita ulit ang buong Legaspi family kaya hindi mapigilan ni Carmina Villarroel na muling maging emotional sa kanyang recent post sa Instagram. Nagsimula na kasi ng lock-in taping si Cassy Legaspi para sa second season ng First Yaya na First Lady na bida si Sanya Lopez at Gabby Concepcion. […]
-
Tanggap na maraming nag-unfollow dahil sa pananaw sa politika: JANNO, sinabihan ang netizens na hayaang maging bitter at magluksa sa pagkatalo
TANGGAP ni Janno Gibbs na maraming followers ang nag-unfollow dahil sa kanyang personal na pananaw sa politika. Post pa ng singer/comedian “Let us grieve.” At dagdag pa ng aktor, “Sabi nyo “Wag nang bitter.” Tanggapin nlang na Talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as VP. Nagmove on ba? […]