• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala nang extension sa SIM registration – DICT

NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito.

 

 

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.

 

 

Pagsapit ng July 26 ay mapuputol na ang mga koneksyon ng mga SIM card subscribers na hindi pa rehistrado.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.

 

 

Bagama’t katumbas lamang ito ng 60% ng total SIM cards na nabili ay maituturing na rin itong malaking accomplishment, sabi ni Dy.

 

 

Una nang nagtakda ang DICT na April 26, 2023 deadline ng SIM card registration pero dahil sa mga apela ay ginawa itong July 25, 2023 upang bigyan pa ng sapat na panahon ang mga subscribers nationwide na maiparehistro ang kanilang SIM. (Daris Jose)

Other News
  • Halos P.2M droga, nasamsam sa computer technician sa Valenzuela

    BAGSAK sa kulungan ang isang computer technician na sangkot umano sa pagbibenta ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Sa kanyang report sa bagong OIC Director ng Northern Police District (NPD) na si P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police […]

  • 27K pasahero dumadagsa kada araw

    UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI).     Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na […]

  • Gobyerno, handang suportahan ang mga biktima ng Bulkang ‘KANLAON’ – PBBM

    SINIMULAN na ng gobyerno ang pamamahagi ng food packs at iba pang tulong sa 80,000 residente na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, araw ng Lunes.     Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.   Sa katunayan, bumiyahe na si Department of […]